8 todas sa bakbakan ng militar at BIFM

WALO ang patay habang 25,650 katao naman ang naapektuhan sa sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at tumiwalag na grupo ng Moro Islamic Liberation Front na nagsimula nitong nakaraang linggo ng gabi, ayon sa ulat kanina (Agosto 9) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa kanilang 6 a.m. update, sinabi ng NDRRMC na ang mga kaswalidad ay kinabibilangan ng apat na sundalo at apat din na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM).

Ang BIFM ay isang splinter group ng MILF, na nagkakasa ng peace negotiations sa gobyerno.

Kinilala ang apat na sundalo na sina Sgt. Sonny Estabillo (38th Infantry Battalion), Pfc. Arsenio Nunescan (1 Mechanized Brigade), Pfc. Henry Caunga (68th Infantry Battalion) at Pvt. Duniel Aragon (68th Infantry Battalion).

Ang mga sugatan naman ay sina 1Lt. John Dave Aguilar (46th Infantry Battalion); Cpl. Romel Mantos (603rd Brigade); at Pfc. Mar Batanas (62nd DRC).

Sa kabilang dakong, sinabi ng NDRRMC na may 25,650 katao o 5,130 pamilya mula sa 15 barangay ang naapektuhan ng bakbakan at sa nasabing bilang, 2,296 pamilya o 11,480 katao ang pansamantalang pinatuloy sa 11 evacuation center.

Sinabi ng NDRRMC na nagsimula ang bakbakan dakong 11:30 p.m. noong nakaraang Agosto 5 nang harasin ng BIFM ang military facilities sa Maguindanao.

Naikasa naman agad ang clearing operations nitong nakaraang Agosto 7 sa national highway na kumokonekta sa Cotabato City at Isulan sa Sultan Kudarat. Pero sa update ng NDRRMC kaninang umaga (Agosto 9) ang naturang highway ay nakasarado pa at ikinokonsiderang hindi ligtas.

Naitala naman ang 22 sunog, kabilang ang 13 kabahayan sa Barangay Meta, dalawa sa Barangay Iganagampong, at pito sa Maitumaig kaya sinuspinde na ang klase sa 16 na eskuwelahan na naapektuhan ang may 10,572 estudyante at 260 na guro.

Sa parte naman ni Acting Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman, sinabi nitong,”There is no truth to the information circulating on Twitter, Facebook and social media which alleged that war has allegedly broken out in Mindanao.”

Ang pag-atake niya ay limitado lamang sa ilang lugar at nakontrol na ng tropa ng pamahalaan ang ilang insidente ng karahasan.

Samantala, sinabi ni Hataman na ang pag-atake kagabi sa isang tropa ng military na nagkakasa ng mobile patrol sa Mindanao State University sa Marawi City ay kagagawan ng isang sindikato.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply