85 patay sa hagupit ni habagat

UMABOT na sa 85 ang namatay sa paghagupit ng pinalakas na Habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC), apat pa ang nadagdag na nalunod sa Pampanga.

Ang mga nasawi ay sina: Joey Camposanto Tolentino, 33; Lloyd Navarro, 30, ng San Pedro, San Fernando City; Jeffrey Mercado, 17, ng Pio, Porac; at Eller Hipolito Terrado, 28, ng San Nicolas, Arayat.

Tatlo naman ang nalunod rin sa Zambales. Ito’y sina: Anthony Ramos, 31, ng New Kalalaklan, Olongapo City; Alden Majadas, 17, ng Brgy. Inhobol, Masinloc; at Rolando Capistrano, 42, ng Brgy. San Agustin, Castillejos.

Nalunod rin sina Jomar Balaraw, 21, ng Tokod, San Rafael, Bulacan at Theodorico Maruli, 70, ng Hermosa, Bataan.

Patay naman sa landslide sa San Jose, Rodriguez, Rizal si Remy Demit at nalunod si Edwin Ramos ng Brgy. Tabuan, Pila, Laguna, gayundin si Danilo Masangkay, 26, ng Tabon, San Vicente, Orion, Bataan.

Tatlong lalaki at isang babaeng hindi pa nakikilala ang nalunod rin sa Sto. Tomas, Batangas.

Ang ilan pang karagdagang nasawi sa bagsik ni Habagat ay sina: Jona Lago, 21 at; Jessica Lago, 19, tinamaan ng kidlat; Camille Ostinado ng Talisay Batangas, nabagsakan ng puno; Leticia Cerce, 59, ng Tanay, Rizal at Ernesto Flores ng Alaminos, Laguna, nalunod.

Sampu ang bilang ng mga sugatan at walo naman ang mga nawawala.

Umabot naman sa 8,428 bahay ang nawasak dahil sa pagbaha at pag-ulan.

May 39 lugar sa bansa ang isinailalim na sa state of calamity.

Narito ang listahan ng 85 nasawi sa bagsik ng Habagat: (landslide) Jayson Baylon, 16; Jayvee Baylon, 20; Jissele Joy Baylon , 7; Cecilia Baylon, 50; Jonathan Castulo, 3 ½; Junica Castulo, 3weeks old; Jessica Baylon, 23; Jethro Baylon; Joshua Castulo, 2; at Jimmy Baylon, 20.

Nakuryente naman si Benjie Dumansil ng Quezon City; inatake sa puso si Adela Alfonso Miranda, 50, ng Brgy. San Bartolome, Novaliches; at nalunod sina Irene Cubarubias, 4, ng Brgy. 182, Caloocan City;at Emmanuel Magkanit, 28, ng Brgy. 165, Caloocan City;

Nabagsakan ng puno si Dexter Esmade ng Bagong Silang, Caloocan City at nalunod sina Jerome Naval; Rodolfo Bilao; Roel Fabros ng Brgy. Dalandanan; Ely Perez ng Brgy. Muzon; Diego San Jose ng Brgy. Panghulo; Evelyn Severo ng Brgy. Tanong; Romulo Macabenta ng Brgy. Dampalit; Liza Mae Ravadillo, 10, ng Brgy. Potrero; Segunda Amantilo y Rabino, 17, ng Pinagsabugan, Longos; Erickson Dreva y Tedio ng Brgy. Potrero; Archie Ybanez ng Brgy. Tinajeros; Ronald Vasquez, 33, ng Brgy. 308; Jerwin Quijote, 33; Jaime Lopez, 42; at Dan David Mangarin, 12.

Sa Region I-6, nalunod sina Reynaldo Padilla, 37, ng Brgy. Angayan Sur, Balungao, Pangasinan; isang hindi nakilalalng lalaki, 70 – 80-anyos; Gerry Bugagon, 21, ng Brgy. Bedania, Mangatarem, Pangasinan; at Jason Pendido, 16, ng Brgy. Inamotan Manaoag, Pangasinan.

Nakuryente naman sina Jona V. Lago, 21, ng Baybay. Sto. Tomas, La Union; at Jessica V. Lago, 19, ng, Baybay. Sto. Tomas, La Union.

Sa Region III, nakuryente si Darel Flores, 9, ng Brgy. Apalit, Floridablanca, Pampanga at nalunod naman sina Estrella Tracy Nunang, 11, ng Brgy. Sto. Tomas, Lubao, Pampanga; Stephanie Ballon Marquez, 3, ng San Agustin, Candaba, Pampanga; Michael Bryan Gatdula, 12, ng Brgy. Sto. Niño, San Fernando, Pampanga, Renato Fan, ng Marcos Village, Mabalacat, Pampanga; Jaygy Cunanan, 20, Quebiawan, San Fernando, Pampanga; Joey Camposanto Tolentino, 33; Lloyd Navarro, 30, ng San Pedro, San Fernando City; Jefferey Mercado, 17, ng Pio, Porac, Pampanga; Eller Hipolito Terrado, 28, ng San Nicola, Arayat, Pampanga, tatlong di-nakilalang lalaki sa San Matias, Sto. Tomas na may gulang 40-50-anyos; Ariem Menes, 19, ng Brgy. Poblacion North, Sta. Cruz, Zambales; Anthony Ramos, 31, ng New Kalalaklan, Olongapo City.

Nasawi rin sa pagkalunod sina sina Alden Majadas, 17, ng Brgy. Inhobol, Masinloc, Zambales; Rolando Capistrano, 42, ng Brgy. San Agustin, Castillejos, Zambales; Ralyn Certeza Cuvin, 1 mo, ng Longos, Meycauayan, Bulacan; Exier Kyle Langres, 6mos, ng Brgy. Look, Malolos, Bulacan; Roy Cailan, 47, ng Brgy. San Pascual, Obando, Bulacan; Angelita Quinto, 60, ng Brgy. Borol, Balagtas, Bulacan; Jomar Laluan, 20, ng Pinaod, San Ildefonso at Erjan Roque, 47 ng Pinaod, San Ildefonso.

Nalunod rin sina Danilo Lopez ng Brgy. Ilang-Ilang, Guiguinto, Bulacan; Jomar Balaraw, 2, ng Tokod, San Rafael, Bulacan; Alex Agusto, 35, ng Brgy. Luacan, Dinalupihan , Bataan; Richard Catli, 22, ng Brgy. Torres, Dinalupihan Bataan; Juanito Manglia, 70, ng Brgy. Flores, Dinalupihan, Bataan; Clarita Jungaya Olarte ng Brgy. Bilolo, Orion, Bataan; Theodorico Maruli, 70, ng Hermosa, Bataan; at Danilo Masangkay, 26, ng Tabon, San Vicente, Orion, Bataan.

Inatake sa puso si Marcelino Peñaflor ng Brgy. Saguing, Dinalupihan, Bataan.
Hindi rin pinalampas ng habagat sa Region IV-A sina: Anna Marie Pansipani, 7, ng Tanauan City, Batangas; Ana May Pansipani, 9, ng Tanauan City, Batangas; at Camille Ostinad ng Talisay, Batangas.

Nabagsakan naman ng puno si Ricardo Receles, 42, ng Southville Phase 8, Rodriguez, Rizal habang nalunod si Nicole Acosta, 9, ng Taytay, Rizal; Noel Garde 14, ng Taytay, Rizal; Christian Garde, 12, ng Taytay, Rizal; at Reynaldo Hagipit ng Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal ngunit natabunan ng lupa sina Leticia Cerce, 59, ng Brgy. Tandang Kutyo, Tanay,
Rizal.

Sipon at atake sa puso naman ang ikinamatay ni Remy Demit ng Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nalunod rin sina Christian Fontanilla, 21, ng Emilio Aguinaldo St., Lucban, Quezon; Christian Curiano, 3-anyos, ng Dulong Wawa, Malaban, Laguna; Alberto Madarang, 83, ng Lachera, Calamba City, Laguna; Christian Jay Balista, 17-anyos, Parian ng Calamba City, Laguna; at Ernesto Flores ng Alaminos, Laguna.

Hindi rin pinalusot ng Habagat si Deo Socajil y Cano, 17, ng Sitio Ibay, Brgy. Gui-ob, Alcantara, Romblon, na namatay sa pagkalunod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply