9 smuggled cars nasabat sa Cebu City

SIYAM na smuggled car ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang repair shop sa reclamation area sa Barangay Mabolo, Cebu City, Cebu.

Nakumpiska ang mga sasakyan sa Total Golden Motor Care, isang repair shop sa lungsod na sinasabing pagmamay-ari ng isang Korean national na si Jung Choi Myung.

Ayon kay Customs police special agent Enrico Mongaya, matagal na nilang minamanmanan ang nasabing repair shop matapos makatanggap ng impormasyon na may padating na mga smuggled car galing Korea.

Sinabi naman ni Charli Danes, supervisor ng naturang shop na wala siyang ideya kung saan galing ang naturang mga sasakyan dahil ibinilin lang ito sa kanilang shop.

Ang mga nakumpiskang sasakyan ay binubuo ng apat na Sorento, dalawang Starex, Tucson, Retons at Korando.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Custom’s office ang mga sasakyan habang hinahanap pa ang may-ari nito upang masampahan ng kasong paglabag sa Section 2530 ng Tariff and Customs Code of the Philippines.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply