A.K.A JAM out na sa X Factor Philippines

TULUYAN nang pinauwi ang grupong A.K.A JAM sa X Factor Philippines kagabi (August 19).

Nakasama ng A.K.A JAM ang grupong Daddy’s Home sa bottom 2.

Gaya noong isang linggo nagkaroon din ng deadlock sa judges’ deliberation.

Dahil dito, sa boto ibabase ang mapapauwi.

Naalis ang A.K.A JAM matapos na makakuha ng pinakamababang boto na 4.42% habang magpapatuloy naman ang Daddy’s Home na nakakuha ng 5.53%.

Ang A.K.A JAM ay binuo lamang ng X Factor matapos mahirapan ang mga judge na pumili ng mga matatanggal ng contestant noon bago mag-live ang nasabing show.

Huling kinanta ng A.K.A JAM ang “Survivor” ng Destiny’s Child para sa kategoryang “rock.”

Noong isang linggo naman ay na-out na rin si Mark Mabasa na mula sa Over 25 Boys ni mentor Pilita Corrales.

Abangan sa weekend kung sino ang magsa-shine out sa performance night at kung sino ang mapapauwi sa X Factor Philippines.

Top 9:

Girls (Charice)
– Allen Jane Sta. Maria
– KZ Tandingan

Boys (Martin Nievera)
– Jeric Medina
– Kedebon Colim
– Gabriel Maturan

Group (Gary V)
– Daddy’s Home
– Takeoff

Over 25 (Pilita Corrales)
– Joan Da
– Modesto Taran

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply