Abangan: Daang bakal bikeways and greenways

MALAKI ang impluwensya ng aming biyahe sa Guangzhou, China para mangarap na matulad ang Marikina sa pagiging isang Green City. Kaya’t ginanahan na ulit si Engr. Rommel Felipe, hepe ng aming City Traffic Management and Development Office (CTMDO), na mag-volunteer kay Mayor Del de Guzman na gumawa ng isang comprehensive greening program para sa Marikina.

Bago nito, inirekomenda namin kay Mayor Del na gawing bike highway ang Daang Bakal.

Sa aming panukala, pagbabawalan ang mga sasakyan sa Daang Bakal at panay non-motorized transport (NMT) at pedestrians lang ang puwede. Dati pa naman daw bawal ang sasakyan dito pero pinagbigyan temporarily ngayon.

Pag nangyari ito, ang laking ginhawa at kaligtasan para sa mga biker ang pumadyak mula sa boundary ng San Mateo hanggang Marcos Highway. Pag sinuwerte pa at makiisa ang San Mateo at Pasig, hahaba pa ito lalo mula San Mateo hanggang sa Manggahan Floodway.

Sa ngayon kasi medyo delikado ang mag-bike sa road-share bike lanes sa J.P. Rizal Avenue at A. Rodriguez Ave.

Sa paggawa ng bike highway sa Daang Bakal — pwede nang tanggalin ang bikelanes sa dalawang major roads na ito.

Ang proposed Daang Bakal Bikeways at Greenways ay magmumula sa Bagong Silang sa Brgy. Nangka, babagtasin ang Daang Bakal at Shoe Avenue hanggang sa dulo ng Shoe Avenue Extension sa Marcos Highway.

Ito ay may habang 6 na kilometro. Pag nakiisa ang San Mateo na ma-extend ito via GSIS Road hanggang munisipyo nito, additional 3 kms. yon. At, additional 4 kms. naman mula Marcos Highway hanggang East Bank Road ng Manggahan Floodway via F. Mariano Avenue, kapag makiisa ang Pasig.

Kung sakali ay may potensyal itong humaba ng 13 kms.

Eh, may nabanggit pa si Atty. Yves Gonzalez, Traffic Director ng MMDA na pinag-iisipang lagyan ng bikeways ang East Bank Road. Mas lalo pang hahaba ang Bike Highway na ito.

Good news ito kina Jojo Palad, Pio at Ethel Fortuno, Joylacs Tan, Gerry Gabriel, Lito Amistad, atbp.

Sisimulan na raw bago mag-Pasko ni Kap Odie Francisco ang pangarap na ito sa kanyang parte ng Bagong Silang sa Concepcion Uno. Pedestrianization, greening, at maraming ilaw.

Umaasa kami na magkakaroon ng natural re-development sa lugar na ito at mismong mga residente na doon ang magpapaganda at magpapaaliwalas ng kanya-kanyang lugar.

Abangan po natin ang future tourist attraction na ito ng Marikina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply