Abiso Marikenyo

BUNSOD ng nararanasang pag-ulan sa lungsod at sa karatig  lugar, ipinababatid ng lokal na pamahalaan ng Marikina na ang water level ng Marikina River ay nasa 16.4 meters above sea level (as of 6:15 p.m.).

Ang basehan ng water level sa Marikina River ay ang stream gauge na matatagpuan sa ilalim ng Marikina Bridge sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Kasalukuyang nakataas ang ikalawang alarma na lamang sa lungsod matapos bumaba ang antas ng tubig sa 16.9 meters above sea level ang tubig dakong ika-3:45 a.m. mula sa 17 meters kaninang ika-2 ng madaling araw.

Ang 1st alarm ay itinataas kapag ang antas ng tubig ay umabot na sa 15 meters above sea level; itataas ang 2nd alarm kapag ang antas ng tubig ay umabot sa 16 meters above sea level; at itataas ang 3rd alarm kapag ang tubig ay umabot na sa 17 meters above sea level.

Kapag umabot na sa 18 meters above sea level itinuturing na nasa critical level ang antas ng tubig sa Marikina River. Ipatutupad na ang forced evacuation sa mga residente na nasa mabababang lugar sa lungsod.

Sa ngayon ay mayroon nang 195 na pamilya (996 katao) ang lumikas sa kanilang mga tahanan at ngayon ay nasa Buleklak Covered Court; 278 na pamilya (1,471 katao) naman sa Malanday Elementary School sa Brgy. Malanday; 357 pamilya (1,362 katao) ang lumikas mula Barangay Tumana na ngayon ay nasa H. Bautista Elementary School; at  43 pamilya (269 katao) sa Concepcion Integrated School sa Barangay Concepcion Uno.

Ayon kay Mayor Del De Guzman, kanselado na rin ang klase sa mga pampublikong paaralan sa apat na barangay sa lungsod na unang binabaha sa oras ng pagtaas ng tubig. Ito ay ang Brgy Tumana, Brgy Malanday, Brgy Nangka at Brgy Concepcion Uno.

Samantala, sa kabila ng pagbaba ng antas ng tubig ng Marikina River ay patuloy pa ring nakaalerto ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa posibleng muling pagtaas ng antas nito kung patuloy ang nararanasang pag-ulan. Pinapayuhan din ang lahat ng residenteng palaging umantabay at maging alerto sa lahat ng oras.

Para sa inyong katanungan hinggil sa abisong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Public Information Office sa telepono bilang 646-6451.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply