Abiso sa mga Marikenyo: Manatiling Alerto

DAHIL sa patuloy na banta ng ulan sa lungsod at sa karatig-lugar nito, pinaaalalahan ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang mga residente na manatiling alerto at nakaantabay sa posibleng mga kaganapan kaugnay ng nararanasang sama ng panahon.

Dahil sa paghina ng ulan sa lungsod at sa kanugnog na lalawigan nito sa nakalipas na magdamag, bumaba ang water level ng Marikina River sa 15.2 meters above sea level (as of 4:55 a.m.).

Dahil dito, ibinaba sa Level 1 ang alerto ng lungsod bandang 10:10 a.m. kahapon (August 1) ay itinaas ang alerto sa Level 2 nang umabot sa 16 meters ang water level sa Marikina River.

Umabot naman sa 16.2 meters ang taas ng tubig dakong 3:00 p.m, ang pinakamataas sa nakalipas na 24 oras.

Ang basehan ng water level sa Marikina River ay ang stream gauge na matatagpuan sa ilalim ng Marikina Bridge sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Ang 1st alarm ay itinataas kapag ang antas ng tubig ay umabot na sa 15 meters above sea level; itataas ang 2nd alarm kapag ang antas ng tubig ay umabot sa 16 meters above sea level; at itataas ang 3rd alarm kapag ang tubig ay umabot na sa 17 meters above sea level.

Kapag umabot na sa 18 meters above sea level itinuturing na nasa critical level ang antas ng tubig sa Marikina River. Ipatutupad na ang forced evacuation sa mga residente na nasa mabababang lugar sa lungsod.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang 38 pamilya (100 katao) sa Bulelak Covered Court sa Brgy. Malanday.

Samantala, mayroon ding klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa lungsod.

Para sa inyong katanungan hinggil sa abisong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Public Information Office sa telepono bilang 646-6451.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply