Aborsyon, tinatagong probisyon sa RH bill – Sotto

IBUBUNYAG ngayon ni Senate Majority Leader Sen. Tito Sotto sa kanyang ‘turno en contra’ ang umano’y tinatagong probisyon na magpapahintulot ng abortion sa Pilipinas sa kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Nakatakdang ibunyag ni Sotto mamayang hapon sa mataas na kapulungan ang diumano’y mga lobby group na nasa likod ng kontrobersiyal na RH Bill .

Ayon kay Sotto, may mga international groups ang nagla-lobby para maisabatas ang nasabing panukala na mahigpit namang tinututulan ng Simbahang Katolika.

Aniya, may tinatagong probisyon sa nasabing panukala na magpapahintulot ng aborsyon.

Isa si Sotto sa sumusuporta sa Simbahan laban sa RH bill.

May walong senador na diumano ang tiyak na tututol sa RH bill. Una nang nagsabi si Senate president Juan Ponce Enrile na tututulan nya ang nasabing panukala.

Dumalo rin si Sotto at Enrile sa prayer power rally na inilunsad ng Catholic Bishops ‘ Conference of the Philippines para hikayatin ang mga Katoliko sa tutulan ang RH bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply