Abrazado nakalabas na sa ospital

NAKALABAS na ang aide ng yumaong si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na si Senior Inspector Jun Abrazado sa Philippine National Police Hospital, kahapon.

Sa ulat sa radyo, nabatid na si Abrazado ay pinauwi na sa kanyang bahay dahil sa nararanasang power interruptions sa nasabing pagamutan sa loob ng Camp Crame.

Gayunman, si Abrazado ay babalik pa sa ospital para sa kanyang counselling at therapy.

Magugunitang si Abrazado lamang ang survivor ng plane crash na kumitil kay Sec Robredo at dalawang pilot nito na sina Capt Jessup Bahinting at Kshitiz Chand noong Agosto 18, 2012.

Ilang oras matapos na bumagsak ang eroplanong kanilang sinakyan ay natagpuan ng mga mangingisda si Abrazado.

Samantala, kahapon ay naihatid na sa huling hantungan si Bahinting habang mamaya naman ang state funeral para sa kalahim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply