Abrazado pinagpapahinga muna bago pagsalitain

PAGPAPAHINGAHIN muna ang aide de camp ng namayapang si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na si Police Senior Inspector Jun Paolo Abrazado, bago ito isalang sa imbestigasyon o pagkunwetuhin hinggil sa insidente.

Sinabi ni Philippine National Police Director General Nicanor Bartolome na si Abrazado ay kasalukuyang nasa Camp Crame hospital sanhi ng dinanas nitong trauma na dulot ng pagbagsak gn eroplano na ikinamatay ng kanyang boss.

Si Abrazado ang tanging nakaligtas sa insidente noong Agusto 18. Ang dalawang pilotong sina Captain Jessup Bahinting at Nepalese national na si Kshitiz Chand, ay namatay din sa nasabing insidente.

“Siguro sa lalong madaling panahon ay maka-recover siya fully at makapagsalita na siya ng direkta sa media,” pahayag ni Bartolome at sinabing ang doktor nito ang mismong nag-utos na pagpahingahin muna si Abrazado bago pagkuwentuhin.

Si Abrazado ay sinisi ng ilang kampo dahil sa hindi pagsagip kay Robredo. Gayunman, inanunsyo na ng pamilya Robredo na walang kasalanan si Abrazado sa nangyaring aksidente.

Ayon naman sa ama ni Abrazado na si Gil, handang mamatay ang kanyang anak para iligtas ang kanyang boss. Wala naman, aniya, sigurong handa para sa isang plane crush dagdag pa ng matandang Abrazado.

“Ang sabi niya pag siya’y umiiyak, mas marami pang gagawin si secretary, dapat ako ang namatay. ‘Yun ang sabi niya lalo pag nanonood siya sa TV, nakikita niya si sec na masaya, naiiyak siya,” kuwento pa ni Gil.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply