Abrazado traumatized pa rin, bantay-sarado sa PNP psychiatrists

BANTAY-SARADO pa rin sa mga psychiatristng Philippine National Police (PNP) ang aide ng namayapang Interior Secretary Jesse Robredo dahil hindi pa rin ito lubos ng nakakarekober sa kanyang sinapit na trahedya, ayon sa opisyal ng PNP.

Sinabi kanina ni PNP spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na si Senior Inspector June Paulo Abrazado ay nanaantiling na-traumatized mula sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ni Robredo na ikinamatay nito at dalawang piloto.

Nagmula aniya ang impormasyon sa PNP General Hospital at sinabi na si Abrazado ay hindi pa ito ganap na mabuti ‘emotionally and mentally’ mula sa malagim na trahedya.

Sa kasalukuyan, si Abrazado aniya ay itinuturing na isang pasyente na kailangang bantayan para ito makarekober.

Si Abrazado ang tanging nakaligtas sa pagbagsak ng Piper Seneca plane na bumagsak sa karagatan ng Masbate noong Agusto 18, habang papunta sa Naga City mula Cebu.

Matapos makuha ng mga Philippine Navy divers ang bangkay ni Robredo nitong nakaraang linggo, inanunsyo na agad ng misis ng kalihim na si Atty. Maria Leonor Robredo na wala siyang sama ng loob kay Abrazado sa kabila ng pagpalaya nitong masagip ang buhay ng kanyang amo.

Binigyan si Robredo ng isang state funeral nitong nakaraang Martes at ikinasa ang cremation sa labi nito sa crematory and columbary ng Naga Imperial funeral homes at saka inilagay ang abo sa kanyang nitso sa Eternal Gardens.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply