‘Academic concerns’ sa RH bill tatalakayin

TATALAKAYIN ng mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa susunod na linggo ang ilang ‘academic concerns’ na may kaugnayan sa Reproductive Health (RH) bill, kabilang na ang pagpabor ng ilang professor ng Jesuit- run Ateneo de Manila University (ADMU) sa pagpapasa sa naturang panukalang batas.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng CBCP, isasagawa ang talakayan kasabay ng kanilang regular permanent council meeting sa Setyembre 4.

“We will talk about good approaches, solutions and the task of Catholic universities to seek the truth and of course to continue studying and working out hoping to come out possible solutions to many concerns from the academic and also related points of view,” ani Palma.

“In the search, we should be guided by the light of truth or by the light of faith. That is the mission of the Church,” aniya pa.

Samantala, pinapurihan at pinasalamatan din ni Palma ang pagiging sinsero ng ADMU administration at ng Philippine Province of the Society of Jesus sa pagsuporta nito sa posisyon ng CBCP sa RH bill.

Umaasa rin umano si Palma na patuloy na isusulong ng unibersidad ang mga turo ng simbahan sa kanilang mga mag-aaral.

Kaugnay nito, sinabi naman ni CBCP vice president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi ‘trigger happy’ ang mga Obispo sa pagbibigay ng parusa sa mga taong sumusuway sa turo ng simbahan.

Paliwanag ni Villegas, ang una umano nilang ginagawa ay makipag-dayalogo muna kung may hindi pagkakaunawaan sa loob ng simbahan.

Kung hindi umano magtagumpay ang dayalogo, isinasaad sa batas ng simbahan na kinakailangan nang mag-isyu ng written reprimand at saka magsasagawa ng imbestigasyon.

Kung makita umano ng mga Obispo na imposible nang magbago pa ang sumuway na anak ng simbahan ay saka lamang sila magpapatupad ng sanction dito, tulad ng excommunication o di kaya’y pagkakaalis sa trabaho, depende sa bigat ng kasalanan nito.

“We bishops are not trigger happy with imposing penalties because we, at first, are brothers and we, at first, are fathers who need to guide and correct,” ani Villegas sa press conference para sa 2012 Catholic Educational Association of the Philippines Annual Convention sa SMX Center sa Pasay City.

“When we see error, the first thing that we do is to dialogue… call the child and ask for an explanation then explain my side and listen to his side,” aniya. “Let us talk!”

“But if that child of the Church remains incorrigible then that is when the sanctions are imposed. And the sanctions are not always excommunication. It is not always termination from the job. There are different degrees of sanction,” aniya pa.

Iginiit rin ni Villegas na may katungkulan ang mga pari na ipagtanggol ang buhay sa anumang kondisyon at estado nito.

Tatalakayin ng mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa susunod na linggo ang ilang ‘academic concerns’ na may kaugnayan sa Reproductive Health (RH) bill, kabilang na ang pagpabor ng ilang professor ng Jesuit- run Ateneo de Manila University (ADMU) sa pagpapasa sa naturang panukalang batas.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng CBCP, isasagawa ang talakayan kasabay ng kanilang regular permanent council meeting sa Setyembre 4.

“We will talk about good approaches, solutions and the task of Catholic universities to seek the truth and of course to continue studying and working out hoping to come out possible solutions to many concerns from the academic and also related points of view,” ani Palma.

“In the search, we should be guided by the light of truth or by the light of faith. That is the mission of the Church,” aniya pa.

Samantala, pinapurihan at pinasalamatan din ni Palma ang pagiging sinsero ng ADMU administration at ng Philippine Province of the Society of Jesus sa pagsuporta nito sa posisyon ng CBCP sa RH bill.

Umaasa rin umano si Palma na patuloy na isusulong ng unibersidad ang mga turo ng simbahan sa kanilang mga mag-aaral.

Kaugnay nito, sinabi naman ni CBCP vice president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi ‘trigger happy’ ang mga Obispo sa pagbibigay ng parusa sa mga taong sumusuway sa turo ng simbahan.

Paliwanag ni Villegas, ang una umano nilang ginagawa ay makipag-dayalogo muna kung may hindi pagkakaunawaan sa loob ng simbahan.

Kung hindi umano magtagumpay ang dayalogo, isinasaad sa batas ng simbahan na kinakailangan nang mag-isyu ng written reprimand at saka magsasagawa ng imbestigasyon.

Kung makita umano ng mga Obispo na imposible nang magbago pa ang sumuway na anak ng simbahan ay saka lamang sila magpapatupad ng sanction dito, tulad ng excommunication o di kaya’y pagkakaalis sa trabaho, depende sa bigat ng kasalanan nito.

“We bishops are not trigger happy with imposing penalties because we, at first, are brothers and we, at first, are fathers who need to guide and correct,” ani Villegas sa press conference para sa 2012 Catholic Educational Association of the Philippines Annual Convention sa SMX Center sa Pasay City.

“When we see error, the first thing that we do is to dialogue… call the child and ask for an explanation then explain my side and listen to his side,” aniya. “Let us talk!”

“But if that child of the Church remains incorrigible then that is when the sanctions are imposed. And the sanctions are not always excommunication. It is not always termination from the job. There are different degrees of sanction,” ani Villegas.

Iginiit rin ni Villegas na may katungkulan ang mga pari na ipagtanggol ang buhay sa anumang kondisyon at estado nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply