Acidre, ACCEL/3XVI NCAA Player of the Week

PINATUNAYAN ng pambatong shooter ng Arellano U na si Rocky Acidre na kaya niyang pumutok sa opensa kahit biglaan siyang dadamputin mula sa bench.

Nagpakitang gilas ang 20-anyos na si Acidre nang umiskor sa mga clutch time sa panalo nila kontra malakas na Jose Rizal University Heavy Bombers.

Tumikada ng 22 puntos si Acidre upang silatin ng Chiefs ang JRU, 85-82 kabilang dito ang dalawang panelyong freethrows sapat upang maispatan siya bilang ACCEL/3XVI NCAA Player of the Week.

“I was not really focused on shooting, the opportunities just came and it so happened I was making my shots,” wika ni Acidre sa tagalog. “Our focus is to really play defense and also as facilitator to my teammates.”

Natuwa at napuri naman ni Arellano U coach Koy Banal sa kanyang bataan.

“I know he can deliver when he starts but I experimented on this game by instering him off the bench,” patungkol ni Banal kay Acidre.

Tinalo ni Acidre sa weekly citation race si  Russell Yaya ng Emilio Aguinaldo, Jett Vidal ng Perpetual Help at Jake Pascual at Baser Amer ng San Beda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply