Aga puro dada walang lafang

LUMALAKAS ang hatak ni Aga Muhlach sa mga Bicolano partikular sa district-4 ng Camarines Sur. Ang daming taong pumupunta sa mga lugar na dinadalaw niya kasama ang kanyang pamilya.

Reklamo lang ng mga otaw, gutom daw ang inaabot nila sa pagnganga sa harapan ng entablado habang kumataksang si Aga.
Wala man lang daw itong givesung kahit biscuit o candy para malibang ang mga nakikinig sa kanya. Feeling daw yata ng aktor ay puro papogian at pormahan lang ang pulitika.

Hindi yata alam ng huli na nakikiramdam lang ang mga tao kay Morning kung hanggang saan ang pagmamalasakit nito sa lugar na tatakbuhan nito. Kung ngayon pa lang ay wala na siyang maibigay sa iba, how much more kung nasa posisyon na siya at meron nang powers. Hehehe!

Tagaroon kami sa lugar na tinatarget ng mister ni Charlene Gonzales kaya alam namin ang mga nangyayari roon. Eh, ang mga gumagastos naman daw at nago-organize ng mga lakad ni Morning ay ang mga tauhan ni Governor Villafuerte. Aba’y puro pala palibre itong alaga mo Manay Ethel.

***

Tumino kaya si Cogie sa kanyang anak?

NAGING maayos ang buhay ni Mark Anthony Fernandez dahil sa kanyang asawa’t mga anak. ‘Yung pag-adik-adik nito ay nawala. Hindi na siya sumusungkal. Hehehe!

Sana ganun din si Cogie Domingo na sinasabing nalulong din sa masamang bisyo. Sana ngayong may anak na siya sa kanyang childhood sweetheart, kaya sana ay tumino na siya. Iwasan na sana nito ang drugs at magtrabaho ng maayos.

Kung noon ay lagi siyang late sa mga taping, shooting, etc., dapat ngayon ay agahan na niya. Siya lang yata ang taong nabalaitaan naming na-late nang maghapon sa kanyang appointment. Hahaha!

***

Paula Bianca magso-show para sa mga batang may sakit

KALIWA’T kanan ang show ni Paula Bianca. Pagkatapos nang kanyang mall shows para sa kanyang self-titled album na kung saan ang awiting Napakasakit Naman ang carrier single nito at katatapos lang ng appearance niya sa show ni katotong Jobert Sucaldito na ginawa sa Zirkoh, Morato, heto’t may up-coming show ulit siya sa parehong venue na ang kaibigang Roldan Castro naman ang producer. Hindi pa namin nakukuha ang mga detalye nito.

Anyway, on November 9, 2012, ay may solo concert si Paula sa Airport Casino. Bale stand-up comedians and dancers lang ang magiging guests ng dalaga sa konsiyertong ito na may titulong Rockphilia. Ang Haplos Foundation ang siyang mamamahala rito para sa benipisyo ng mga batang may sakit na Hemophilia.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply