Agosto 20 regular holiday dahil sa Eid’l Fitr

IDINEKLARA ni Pangulong Benigno Aquino III na regular holiday ang Agosto 20, 2012 dahil sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang katapusan ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim.

Ngayong araw pinirmahan ni Pangulong Aquino ang Proclamation 455 para sa pagdedeklarang holiday ng nasabing petsa.

Lunes papatak ang Agosto 20 kaya naman magkakaroon ng long weekend ang mga mag-aaral at mga manggagawa na magsisimula sa Sabado, Agosto 18 hanggang Martes, Agosto 21 na deklarado ring holiday dahil naman sa paggunita sa Ninoy Aquino Day.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply