Agrikultura usad-pagong sa paglago: Pagkain sapat pa rin

USAD-PAGONG ang paglago ng agrikultura sa bansa bunsod ng sunud-sunod na kalamidad, ito ang napag-alaman ng Remate kanina.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, wala pang isang porsyento o 0.93% lamang ang itinaas ng produksyon ng pagkain sa bansa sa kalagitnaan ng 2012.

Aniya, umabot lamang ito sa P691.4 billion base sa kasalukuyang presyo.

Hinila umano pababa ng fisheries ang produksyon ng pagkain, na kadalasang nagkakaroon ng fishkill sa summer at bumabaha naman ang mga palaisdaan kung tag-ulan.

Gayunman, hindi umano nito gaanong naapektuhan ang produksyon ng pagkain dahil maayos naman ang ani sa palay, mais, poultry at babuyan.

Malaki umano ang naitulong ng teknolohiyang ipinalabas ng DA upang hindi masayang ang ani ng palay at mais na tinamaan ng bagyo, partikular ang mga aanihin ngayong Agosto at Setyembre

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply