Aide de camp ni Robredo binisita ni PNoy

BINISITA na ni Pangulong Noynoy Aquino ang nakaligtas na aide de camp ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo, kasamang bumagsak sa kinalululalan private plane sa Masbate kahapon.

Si Police Chief Inspector June Paolo Abrazado ang unang na-rescue nang bumagsak na six-seater Piper Seneca plane na sinakyan ni Robredo, pilotong si Jessup Bahinting at co-pilot na isang Nepalese na si Kshitis Chand.

Nagtamo ng ilang sugat sa katawan si Abrazado ngunit wala itong seryosong pinsala at kapwa naka-sling ang kanyang mga braso.

Sa kasalukuyan, under observation pa si Abrazado sa Masbate Provincial Hospital at sasailalim sa mga neuro test dahil sinasabing nawalan ito ng malay kahapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply