Aide ni Robredo isinalang sa neurological observation

MATAPOS umanong mawalan ng malay ay isinasailalim na ngayon sa ‘neurological observation’ ang aide ni Interior Secretary Jesse Robredro na nakaligtas mula sa pagbagsak ng sinasakyan nilang eroplano sa Masbate noong Sabado ng hapon.

Bahagyang nawalan ng malay si Senior Inspector Jhun Abrasado noong Sabado kaya kinailangan niya munang magpatingin sa doktor, pahayag ni Transportation Secretary Manuel Roxas II.

“(He is) under neurological observation by doctors because he lost consciousness yesterday,” ayon kay Roxas.

Dagdag niya, bagong ama si Abrasado sa siyam-na-araw pa lamang na sanggol.

“Abrasado is conscious, with a few injuries though none visibly serious. Both arms are in slings but there is no blood, no bandages,” ani Roxas.

Nitong Linggo ng umaga, sinabi ni Abrasado kay Pangulong Benigno III ang mga naganap bago ang pagbagsak ng eroplano. Nasa Masbate si Aquino upang kumuha ng update tungkol sa search operation.

Nakasakay sina Robreo, Abrasado at pilot Capt. Jessup Bahinting at ang Nepalese flight student na si Kshitiz Chand sa maliit na eroplano nang bumagsak ito malapit sa karagatan ng Masbate.

Galing sa Cebu ang eroplano patungong Naga City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply