Aide ni Robredo, nasa pangangalaga pa rin ng DOH

NASA pangangalaga pa ng Department of Health (DOH) ang aide de camp ni Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo na si Senior Insp. Jun Abrazado.

Ayon kay Social and Welfare Development Secretary Dinky Soliman, ito ay dahil sa kinakailangan ni Abrazado ng psycho-social treatment dahil sa tindi ng trauma na kanyang pinagdaanan sa naganap na pagbagsak ng sinakyang eroplano.

Mahigpit ang utos ni Pangulong Noynoy Aquino na tugunan ang pangangailangang pisikal at emosyonal ni Abrazado

Samantala, dumipensa naman ang kampo ng pamilya ng pilotong si Captain Jessup Bahinting na bihasa ito sa kanyang propesyon.

Si Bahinting, na binansagang “local hero” ng Cebu matapos na magbuwis ng buhay sa pagpapalipad ng eroplano sa gitna ng bagyo para lamang maihatid sa nasabing lalawigan ang isang cobra anti-venom medicine para sa isang
batang tinuklaw ng ahas.

Si Bahinting ay Chief Executive Officer ng kumpanyang Aviatour na siyang nagmamay-ari rin ng eroplanong sinakyan nina Robredo, isang Nepalese co-pilot na si Kshitis Chand at ang nakaligtas na si Abrazado.

Kilala ring aviation expert si Bahinting na isang lisensyadong commercial pilot at flight instructor.

Ang six-seater Piper Seneca Plane na sinasakayan ng apat na biktima ay bumagsak sa dagat ng Masbate noong Sabado, August 17 dakong 4:30 ng
hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply