Akyat-bahay timbog sa tanod

NASAKOTE ang isang hinihinalang miyembro ng notorious na ‘akyat-bahay’ gang matapos itong maaktuhan na nangungulimbat ng mga mamamahaling kagamitan ng isang ginang sa Zone 7 Mini-park, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City noong Miyerkules ng gabi, ayon sa pagsisiyasat ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng naturang lungsod.
Kinilala ni arresting officer at BSF member Rodelio B. Atic ang pinaniniwalaang salarin na si Alex C. Ramirez, 48 nakatira ‘di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen habang ang nagreklamong biktima naman ay nakilala rin sa pangalang Rowena M. Dueñas, 36, self-employed at nakatira sa Zone 7 Mini-park, Brgy. Fort Bonifacio.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad ng IDMS, nabatid na nadatnan ng biktima ang salarin sa loob ng kanyang pamamahay at abalang nangungulimbat ng mga personal na gamit dahilan upang magsisigaw ito na narinig naman ng nagrorondang si Atic.

Nang tunguhin ang pinangmulan ng sigaw, agad na binitbit ng tanod ang akyat-bahay na nasakote sa loob ng pamamahay ng ginang.

Nabawi mula sa salarin ang mga kinulimbat nitong mga ebidensiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply