Akyat bahay umatake sa Pasay

NILIMAS ng dalawang hinihinalang notorius na akyat-bahay gang ang mamahaling kagamitan ng Haponesa sa kanilang bahay sa lungsod ng Pasay.

Luhaang dumulog kaninang umaga sa tanggapan ng Station Investigation Detective Management Section(SIDMS)ng Pasay City Police ang biktima na si Daisy Fujisawa 49, biyuda residente ng Block-74-12-21 Lot-8 St.Brgy.Villamor ng naturang lungsod.

Natangay ng di kilalang suspek ang mamahaling gamit ng biktima kabilang na ang Ipod-2 na nagkakahalaga ng Php46, 000.IPhone 36 Php 20,000 Nikon SLR Php30,000 Casio Camera under water Php15,000 wrist watch “Russel”Php7,000 Cellphone VX3 Php10,000 Wrist Watch Php70,000 at isang Neclace, Earing na nagkakahalaga ng Php100,000.

Batay sa pahayag  ng biktima kay SPO3 Chris Gabutin may hawak ng kaso nang Criminal Investigation Division(CID)ng Pasay City Police alas:6:30 ng gabi ng umalis ang biktima kasama ang anak nitong babae patungong Sampaloc Manila.

Makalipas ang ilang sandali ay nagbalik na ang biktima na kasama ang anak na babae sa inuupahan nitong apartment, laking gulat nito ng makita na ang pintuan ng bahay ay winasak sa pamamagitan ng isang matigas na bagay.

Hinala ng biktima na ang dalawang hindi kilalang lalaki na pawang naka-suot ng jacket at sumbrero na nasa edad 19 hanaggang 27  at may taas na 5’4 katamtaman ang pangangatawan ang pumasok sa kanyang bahay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply