Alden Richards naospital dahil sa stomach flu

TOTOO pala ang tsika na namamayat ngayon si Alden Richards dahil nagkasakit siya ng stomach flu. Mahirap palang na magkaroon ng ganitong sakit dahil hindi makakain at mamayat ka talaga. Bukod pa rito, panay ang punta mo sa CR.

Isang araw lang nagkasakit si Alden pero malaki agad ang epekto sa kanyang katawan. Makikitang iba ang katawan niya ngayon kaysa noong bago siya nagkasakit.

Sa tingin namin ay mas naging sexy pa nga si Alden dahil inamin ng actor kapag pumapasyal kami sa set ng “One True Love” na nahihilig siyang kumain kapag walang take. Bukod pa rito, hindi raw siya regular na nakapupunta sa gym dahil sa hectic working sched niya na kinakain ang pagpunta niya sa taping at iba pang showbiz commitments.

Pero nagbunga naman ang pagpapakahirap ni Alden sa kanyang career. In two years niyang pamamalagi bilang Kapuso Star, bida na siya at isa sa pinakasikat na actor ng network sa ngayon, bukod pa sa marami siyang endorsement na malapit nang mapanood sa telebisyon at makita ang billboard sa EDSA.

Balitang middle of September ay tapos na ang airing ng kanilang soap kaya pelikula naman ang kanyang aatupagin. Dahil hit siya sa soap opera, ilang buwan lang siya mamahinga at bago matapos ang 2012 ay muli siyang mapapanood sa soap ng GMA 7.

000

Bea Binene, ilalaban ng GMA7 sa soap ni Jodi Sta. Maria

KUNG magtutuluy-tuloy ang plano ng GMA7, si Bea Binene ang ipambabato ng network para ilaban sa on going soap ni Jodi Sta. Maria sa pang-umaga. Gagawin ng batang aktres ang soap pagkatapos ng stint niya sa Luna Blanca bilang teenager na si Luna. Top hit ang soap opera dahil kina Bea at Barbie Forteza, gayundin sa kani-kanilang love-team na sina Derrick Monasterio at Kristoffer Martin.

Iba raw kasi ang charisma ni Bea ngayon sa mga kabataang fan at gayundin sa mga misis na naiiwan sa bahay tuwing umaga. Kasi, si Bea ay ideal na anak sa mga magulang at napakamasunuring bata.

Bukod pa sa napakabait sa kanyang mga tagasubaybay, lagi rin siyang may panahon sa kanyang mga fans. Mahilig din siya sa kawanggawa.

Yung kinikita niya sa showbiz ay laging may part nito ang pagbibigay sa kanyang mga charity works. Lalo na noong panahon na monsoon floods. Mismong si Bea ang nagbalot ng mga relief goods na galing sa kanyang bulsa.

Madalas ng mag-mall show si Bea ngayon dahil sa pagpo-promote ng kanyang first Album na Hey! It’s Me, Bea, na mabibili na sa mga record bars, particulary sa Astrovision.

Recently rin ay naging endorser na siya ng Unisilver watch bilang isa sa kanilang youth ambassador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply