Alegasyon ni Ping kinuwestiyon ni De Lima

HINDI maintindihan ni Secretary Leila de Lima kung ano ang motibo ni Senador Panfilo “Ping” Lacson nang sabihin nito na tinulungan siya ng pumanaw na si Interior Secretary Jesse Robredo noong mga panahong nagtatago pa siya sa batas.

Ayon kay De Lima, sakali aniyang totoo ang alegasyon ni Lacson ay bakit kailangan pa itong isiwalat ni Lacson gayong pumanaw na si Secretary Robredo.

Hindi naman kinumpirma ni De Lima ang katotohanan ng nasabing pahayag ni Lacson bilang respeto na rin kay Robredo.

Una ng sinabi ni Lacson na tinulungan siya ni Robredo noon sa pamamagitan ng pagkumbinsi kay De Lima na kilalanin ang desisyon ng Court of Appeals na nagpapawalang-bisa sa warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court laban sa senador.

Matatandaang si Lacson ay itinuturong utak sa pagpaslang kay PR man Bubby Dacer at sa driver na si Emmanuel Corbito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply