Alex Gonzaga, feel si Direk Paul?

KASAGSAGAN ng pananalasa ng Habagat na nagdulot ng matinding pagbaha sa maraming lugar, na-confine naman sa ospital si Toni Gonzaga for four days. Hindi tuloy siya nakasama sa feeding program at pamimigay ng relief goods sa mga nasalanta ng baha sa lugar nila sa Cainta kung saan konsehal ang kanyang ama.

“Nagkaroon ng problem ‘yong stomach ko,” kuwento ni Toni nang aming makausap sa The Buzz recently. “Naging swollen. Nagkaroon ng bacteria.

“Ang resulta, hindi nagpa-function ‘yong intestine ko para mag-digest. Para siyang na-stroke, kumbaga.

“Ngayon, under medication pa ako for two months. Ang daming bawal kainin like ‘yong mga spicy at mga mamantika. Bawal din ang salad. Tapos bawal din ako mabusog.

“Do’n ako nalungkot. Bawal na akong mabusog. Pakonti-konting kain na lang dahil hindi ako puwedeng mabusog.”

Hindi raw siya nagawang dalawin sa ospital ng boyfriend niyang si Direk Paul Soriano.

“Baha sa lugar nila sa South. Hindi kami nagkita nitong Habagat kasi… wala, e. Hindi siya makatawid. Lubog ang lugar nila sa Parañaque. Baha kahit saan siya pumunta.”

Five years na rin ang itinatagal ng relasyon nila ni Direk Paul. Kasabihang kapag lumagpas raw ng seven years ang isang relationship, puwede ng masabing subok na ang tibay at katatagan kaya Malabo nang mauwi sa hiwalayan. “Oo nga, e. Sabi nga rin namin… tingnan kung ma-survive din namin. In God’s grace, sana ma-survive namin.”

Pero tila masu-survive naman nila. Sa limang taon ng pagiging mag-on nila ni Direk Paul, may mga naging intriga man pero nanatiling matibay ang bigkis ng kanilang pagmamahalan. Walang naging matinding problema silang na-encounter. Ni minsan ay hindi naging shaky ang kanilang relationship.

“Ano lang… fate na lang siguro. Ang ipag-pray na lang kay Lord na… maging maayos ang lahat.”

May mga nagsasabi, suwerte nga raw si Toni sa pagkakaroon ng isang guwapo at mabait na boyfriend. Ideal man daw ang isang gaya ni Direk Paul.

“Ay… ang taray!” sabay tawang reaksiyon na lang ng actress-TV host.

Suwerte rin naman si Direk Paul sa kanya, ‘di ba?

“Wow! Ewan ko,” sabay tawa ulit ni Toni.

Ang younger sister nga niyang si Alex Gonzaga, balitang kaya choosy pagdating sa lalaki, parang si Direk Paul daw kasi ang peg nito kung ideal man ang pag-uusapan. “E… talaga namang hindi pa puwede mag-boyfriend si Alex. Bata pa ‘yon.”

Alex is 23. Bata pa ba ito sa gano’ng edad para mag-boyfriend? “Ako nga nag-boyfriend… 24. Hayaan mo na. At saka mas okey ‘yon na huwag magmadali.”

Pero ano nga ba ang feeling niya sa sinasabing parang si Direk Paul nga raw ang peg ni Alex ng isang ideal man? “Siguro… Daddy ko na lang. Huwag muna si Paul. Hindi ko pa asawa, e. Kapag asawa ko na.”

“Daddy ko na lang pero wala namang problema kay Paul.”

May nakikita ba siyang magandang katangian ng Daddy niya kay Direk Paul?

“Ano…‘yong hindi makasarili. Mapagbigay at saka marespeto.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply