Alice Dixson, gustong maghinay-hinay ng trabaho next year!

NAG-CELEBRATE ng kanyang nth birthday si Alice Dixson sa set ng Enchanted Garden last Saturday, July 28. Inabot kasi ng 12 midnight last Friday ang taping ng bagong eco-fantasy ng TV5 kaya biglang nagkaroon ng asalto kay Alice. Na-surprise talaga ang balikbayan actress sa mga kasamahan niya sa set.

Naikuwento ni Alice sa set ng Game N’ Go last Sunday na hindi niya malilimutan ang pag-aalagang ginagawa sa kanya ng management ng TV5. Kasi, naaalala nila siya lagi, bukod sa hindi siya nawawalan ng trabaho buhat nang magbalikbayan siya sa bansa last year mula sa Toronto, Canada.

Nang huli siyang magbakasyon sa Canada ay tumagal lang ng tatlong linggo dahil sa magsisimula na siya ng En- chanted Garden. Hindi niya matanggihan ang mga trabaho dahil pawang magagandang roles ang ibinibigay sa kanya ng nasabing network.

Dito sa TV5, naranasan niya ang maraming first sa kanyang career. First niyang napasama sa unang soap opera ng network, ang Babaing Hampaslupa kung saan nakasama niya ang malalaking cast ng soap na kabilang si Ms. Susan Roces.

Nang gumawa ng unang afternoon soap ang TV5, kasama rin siya sa cast bilang isa sa mga bida. Samantala, rito rin sa TV5 unang nakaranas ng full kontrabida role si Alice. Enjoy siya sa iba’t ibang roles tulad nang ginampanan niya sa Glamorosa na kasama si Lorna Tolentino.

Ngayon naman sa Enchanted Garden, proud si Alice na makasama sa first telepantasiya ng TV5. Bukod pa rito, habang gumagawa siya ng soap, naisisingit pa niya ang gumawa ng pelikula. May one shooting day na lang siya para sa One Just Summer na unang movie at launching pa bilang love team nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

Lalabas na mother ni Elmo si Alice sa movie. Hindi niya matanggihan ang project dahil may magandang role siya rito, bukod pa sa kakilala na niya si direk Mac Alejandre na isa ring director ngayon ng Enchanted Garden.

Dapat daw sana, kung hindi niya tinaggap ang Enchanted Garden, may isa pang fantasy soap siyang gagawin sa isang malaking network. Di niya natanggap na dahil sa pwedeng magkaroon ng conflict sa timeslot ng dalawang soap.

Dahil sa sobrang dami ng nagawang projects ni Alice buhat nang dumating siya sa Pinas, gusto raw niyang maghi- nay-hinay ng projects niya next year. Gusto naman niyang mag-stay ng mahabang panahon sa Canada. Mayroon rin kasi siyang real estate business roon na talagang napabayaan na niya.

Bukod pa sa nakapapagod ang sunud-sunod na taping at shooting, gusto niyang magpahinga muna dahil hindi na si- ya bumabata. Nasa early 40s na kasi siya ngayon.

000

Elmo Magalona, inamin na more than friends na sila ngayon ni Julie Anne San Jose

HINDI raw basta friends lang ang turingan ngayon nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose. Bagkus, sila’y close friends na ngayon. Inamin ng mag-love team sa Sunday soap ng GMA 7, ang Together Forever, at ngayo’y magkatambal sa latest movie ng GMA Films, ang Just One Summer, na nagdi-date na silang dalawa ngayon.

Pinagdiinan nina  Elmo at Julie Anne sa interview na may chaperone naman kapag lumalabas sila tulad nung lumabas sa Internet na nakita silang kumakain sa Eastwood City. Kumain kasi sila bago nanood ng latest Batman movie.

Pero nang tanungin kung may relasyon na sila, ang tugon ng dalawa ay hanggang close friends lang daw sila pero aminado namang pareho raw silang walang idini-date na iba. HeHeHe!

Hit sa ngayon ang love team nina Elmo at Julie Anne dahil nasa top 10 program tuwing daytime ng Sunday ang Together Forever. Ibig sabihin, nalalampasan na nito ang kanilang kalabang mga programa. Bukod pa rito, hit din ang love team nila sa Party Pilipinas.

Kaya ang Just One Summer ay inaasahang magiging hit rin sa takilya. Simula sa August 16 ito sa buong Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply