Alipunga laganap sa evacuation center sa San Fernando, La Union

LAGANAP na ngayon ang alipunga sa San Agustin Elementary School sa San Fernando, La Union na nagsisilbing evacuation center sa mga inilikas na residente.

Nabatid na nasa 50 indibidwal ang dumaraing ng naturang sakit sa balat na kanilang nilulunasan sa pamamagitan ng Clorox.

Sinabi ni Health Assistant Secretary, Dr. Eric Tayag, na sa halip na Clorox ang gamiting panlunas sa alipunga ay mas mainam ang maligamgam na tubig na may suka sa panghugas sa paa o ipahid sa paa na apektado ng alipunga.

Una na ring iginiit ni Dr. Godofredo Rilloraza ng San Fernando City Health Office na hindi mabuti ang ginagawang paggamit ng Clorox ng ilang mga residente na panlunas sa kanilang alipunga dahil maaaring mas lumala pa ang kanilang kalagayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply