Alisin ang smoking trigger

ANG smoking trigger ay ang mga bagay na nagkokonekta ng iyong utak sa bagay na may kinalaman sa paninigarilyo. Ang tao ay may magkakaibang smoking triggers.

Ang iyong smoking trigger ay maaring ang amoy ng usok ng sigarilyo, kape o ashtray.
Kung nag set na kayo ng “Quit Date”, ito ang mga dapat gawin:

1. Alisin ang sigarilyo sa inyong tahanan, kotse o pahingahan.

2. Mainam na pag-usapan ng pamilya ang pag-aalis ng sigarilyo, ashtrays at lighters sa bahay.

3. Alisin ang mga bagay na makapag papaalala ng paninigarilyo.

Ang pampalit sa Nicotine ay ang medications na makababawas ng pagkagusto ng tao sa paninigarilyo, ang Nicotine replacement treatments (NRT) ay nicotine gum, patches, inhalers, at lozenges.

Ang replacement therapy ay gumagana sa paglalagay ng nicotine sa iyong sistema ng walang bagay na galing sa paninigarilyo. Ang Nicotine replacement therapy ay hindi nagdudulot ng kaparehas na sensasyon na dala ng sigarilyo.

Malaki ang tiyansa na magtagumpay ang mga taong gumagamit ng stop smoking aids. Mas mainam pagsamahin ang nicotine replacement products sa iba pang stop smoking measures.

Hinaharang ng gamot ang epekto ng nicotine sa utak, magpakonsulta sa inyong doktor para malaman kung ano ang tamang gamot na maaring gamitin ng mga gustong huminto sa paninigarilyo upang mabawasan ang pagkagusto sa nicotine at makatutulong malampasan ang pagiging dependent sa kemikal.

Kapag naumpisahan ang pag-inom ng gamot, makikita ang mga sintomas ng pagbabago ng pag-uugali, mood, at isiping pagpapatiwakal. Magpakonsulta palagi sa doktor para maalagaan ang inyong kalagayan at kalusugan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply