Allowances ng mga taga-hudikatura, mahuhugot sa ibang pondo – Palasyo

MAY iba pang pondo na mapaghuhugutan para sa allowances ng mga  justices, judges at iba pang miyembro ng hudikatura, ayon sa Malakanyang.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ang kailangan lamang gawin ng mga taga-judiciary ay ang makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) para sa ipinaglalaban nilang huwag ng bawasan ang kanilang special allowance.

“From what I understand they have other funds kung saan pwede kunin ang special allowances,” ayon kay Usec. Valte.

Kamakalawa, Agosto 17 ay nagsagawa ng kilos-protesta ang mga taga-judiciary dahil sa pagkaltas o pagbawas ng DBM sa special allowances ng mga justices, judges, at other judiciary members.

Kapwa nagbabala sina Supreme Court Associate Justices Diosdado Peralta at Presbitero Velasco na kapag natuloy ang pagkaltas sa kanilang special allowance ay malinaw paglabag ito sa Republic Act 9227, na nagbibigay sa kanila ng karagdagang kompensasyon.

Itinulak ng DBM ang pag-alis ng Special Allowances for  Justices (SAJ) mula sa panukalang P2.006-trillion General Appropriations Act (GAA) para sa  2013.

Sa kabilang dako, ang judiciary ay mayroong fiscal autonomy ayon sa Malakanyang.

Sinabi ni Court administrator Jose Midas Marquez na ang naturang panukala ay isa pa ring malinaw na paglabag sa memorandum of agreement (MoA) sa pagitan ng DBM at pangulo ng Philippine Judges Association.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply