Alma at Janice, suportado si VG Daniel Fernando

DUMARAMI ang mga kapwa artista na sumusuporta sa actor na si Vice Gov. Daniel Fernando ng Bulacan. Inabutan ng entertainment press at local media sa opis ni Vice Gov. Daniel sina Alma Soriano at Janice Jurado. Balitang sa Bulacan na nakatira ang dalawang aktres.

Maging ang controversial na si Ms. Cristina Decena ay napabalitang sumusuporta rin sa Best Public Servant na si Vice Gov. Daniel Fernando.

Ang mga Bulakenyo ay nagpahayag nang patuloy na suporta sa masipag at mahusay na Vice Gov. ng Bulacan.

***

Jake Vargas at Derick Monasterio, wala kang tulak kabigin

NAGUGULUHAN naman ang mga fans sa mga sikat na idol na Jake Vargas at Derick Monasterio. Wala kasi silang itulak-kabigin sa dalawa dahil pareho silang karapat-dapat na maging Idolo. Disente at mababait na bata.

Parehong malapit sa puso natin sina Jake at Derick dahil si Jake ang pinsang buo ng ating kaibigan at tubong Pulilan. Si Derick naman ay anak ng ating dating alaga at kaibigan na si Tina Monasterio. Mabuhay kayo mga bagets!

***

Best public servants in Bulacan

SA lalawigan naman ng Bulacan ay kinikilalang Best Public Servants sina Gov. Willy Alvarado, Vice Gov. Daniel Fernando, Congresswoman Marivic Alvarado, Mayor Christian Natividad of Malolos, Mayor Ferdie Estrella of Baliwag, Bokal Toti Ople, ABC Diony Mendoza. Tatanggap sila ng Gawad Maharlika Award.

***

Ms. Anita Linda at Ms. Rosa Rosal maligaya na sa FAMAS awards
 
MALIGAYA na ang beteranang aktres na sina Ms. Anita Linda at Ms. Rosa Rosal sa kanilang Famas Award. Kamakailan ay tumanggap si Ms. Anita ng Cinemalaya Award, samantalang si Rosa Rosal naman ang tumanggap na ng Plaridel Award at Ramon Magsaysay Award. Kailan naman kaya sila pararangalan bilang National Artista? Abangan na lang natin.

***

Happy birthday kay Bokal Mac-mac Santiago

MAGDIRIWANG naman ng kanyang kaawaran ang batang-batang Bokal ng Plaridel, Bulacan na si Mac Mac Santiago sa August 10. Ang kanyang ama ay si Boss Ernie Santiago na binansagang The Next Mayor of Plaridel.

Bumabati ng Happy Birthday Kay Bokal Mac Mac sina Vice Gov. Daniel Fernando, Bokal Michael Fermin, Bokal Toti Ople at mga kasamahan sa Sanggunian Panglalawigan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply