Ama ni Justice Sec. De Lima ililibing ngayong araw

IHAHATID na sa huling hantungan ang yumaong ama ni Justice Secretary Leila de Lima na si dating Comelec Commissioner Vicente de Lima mamayang alas-dos ng hapon.

Ang dating Comelec Commissoner ay ihihimlay sa kanilang sariling musuleo sa San Isidro Catholic Church sa lungsod ng Iriga.

Inaasahan na makikiisa sa paghahatid sa huling hantungan sa dating Comelec Commissioner ang mga lokal na opisyal ng gobyerno at mga kaanak at kaibigan ng pamilya De Lima.

Kahapon, personal na dumalaw sa burol ng dating opisyal si Pangulong Benigno Aquino III.

Nagpaabot na rin ng pasasalamat ang kalihim sa mga nakisimpatiya at nakiramay sa kanilang pamilya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply