Ambasador Brady papalitan na ni PNoy

KAPWA desisyon nina Pangulong Benigno Aquino III at DFA Secretary Albert del Rosario na palitan na si Philippine Ambassador to China Sonia Brady matapos ma-stroke nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda,  naghahanap na sina Sec. del Rosario at Pangulong Aquino ng magiging kapalit ni Ambassador Brady,  71, sa kabila ng pagbuti ng kalagayan nito

Sa ngayon ay hindi pa rin magawang makapagsalita ni Ambassador Brady.

Sa kabilang dako, sa isang panayam sa Libingan ng mga Bayani ay kinumpirma ni Sec. del Rosario na  bumubuti na ang kalagayan ni Ambassador Brady kung saan ay umaasa silang magpapatuloy ang pagbuti ng kalusugan nito.

Sinabi pa rin ng Kalihin na inaalagaan itong mabuti at masusing tinututukan ng chinese foreign ministry.

Kumbinsido naman si Sec. del Rosario na walang magiging epekto ang isyu sa pinag-aagawang Panatag Shoal ang pagkaka-stroke ni Ambassador Brady.

“We have a charge there so I think there would be no adverse impact to that,” aniya pa rin.

Noong Sabado, Agosto 25 ay lumipad patungong Beijing, China si Sec. del Rosario.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply