Amerikano, 4 pa kinasuhan ng kidnapping

KINASUHAN na ng Quezon City Police ang limang katao kabilang ang isang American national kaugnay sa pagdukot sa isang 8-anyos na apo ng isang politiko na nakabase sa Abra province.

Isinampa ang reklamo sa city prosecutor’s office kahit ang biktima ay hindi pa nababawi at ikinakasa pa ang pursuit operations ng anti-kidnapping group ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga umano’y kidnappers.

Lalo namang pinagtibay ni QCPD director Chief Superintendent Mario dela Vega ang pagsasampa na kaso at ini-report na ang pagdakip ng isa sa mga suspek ay may basbas umano ni dating Abra Representative at Lagayan town Mayor Cecilia Luna, ang lola ng dinukot na bata.

Kasama sa mga kinasuhan ay sina Guillermo Jorge Garcia, 44, ng Salcedo Village, Makati City, na agad naaresto at si Anthony Ricks, ang Amerikanong tatay ng batang babae. Nasa reklamo rin ang tatlong iba pa kabilang ang isang babae na sangkot din sa pagdukot.

Naganap ang pagdukot dakong 7 a.m. nitong nakaraang Martes sa loob ng School of the Holy Spirit campus sa BF Homes Subdivision, sa Barangay Holy Spirit, Quezon City

Ayon sa imbestigasyon, dumating si Ricks at tatlo pang kasamahan sa naturang eskuwelahan na lulan sa isang kote na minamaneho ni Garcia, at naghintay na lumbas ang batang babae mula sa kanyang silid-aralan.

Nang kuwestiyunin, sinabi ni Ricks sa mga security gurads na sinusundo lamang niya ang kanyang anak kaya pinayagan ito at umalis na ang mag-ama patungong Paredes street.

Mula doon, lumipat si Ricks, at tatlo pang respondents, at ang batang babae sa isag pang kotse at naiwan si Garcia sa naunang sasakyan. Kinalaunan, naaresto si Garcia habang minamaneho nito ang kotse palabas ng subdibisyon.

Sinabi ni Luna na itutuloy niuya ang kaso laban kay Ricks kahit isinauli na nito ang kanyang apo.

Ayon kay Luna, nag-igting ang kidnapping sa awayan sa kustodiya para sa naturang bata sa pagitan ni Ricks at ang London-based daughter nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply