Anak, mga kasambahay ni Freddie Aguilar, nakunan na ng fingerprints

NAKUNAN na ng pulisya kaninang umaga ng fingerprints ang isa sa tatlong anak at apat na kasambahay ng OPM singer na si Freddie Aguilar sa New Manila, Quezon City .

Ito’y may kaugnayan sa pagkawala ng US12,000 dollaras o mahigit sa P500,000 pera ni Aguilar na nasa loob ng vault nito.

Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na malaking palaisipan kung paano nabuksan ang vault dahil ito ay nasa loob ng bahay ni Aguilar .

Bukod kasi sa number combinations ng vault, mayroon pa itong susi.

Ayon naman kay Megan Aguilar, anak ni Freddie, mag-anak lang at staff nila ang may access sa vault.

Pero hindi naman daw malimit na umaakyat sila sa ikalawang palapag ng bahay na kinalalagyan ng vault.

Ang kanyang ama lang naman ang madalas na nasa second floor ng bahay.

Napag-alaman na sa inisyal na imbestigasyon at sa CCTV, walang force entry sa vault at maging sa bahay kaya hindi taong labas ang nasa likod na pagnanakaw. (Robert C Ticzon)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply