Anak ng kapitan kalaboso sa pananaksak sa SK chair

SWAK sa kulungan ang isang kelot na anak ng Barangay Chairman matapos nitong saksakin ang isang kagawad ng Sangguniang Kabataan nang magtalo ang una hinggil sa basketball court sa Barangay 123, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Joe Valentno Lopez, y. Luna 25, anak ng chairman ng barangay 123 ng nasabing lungsod.

Nasa pangangalaga ng DSWD si Meriel Manalyasay 17, 4rth year high school, at SK chairman sa naturang barangay na kasalukuyang dinala sa Pres.Diosdado Macapagal Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa upper abdomen.

Ayon sa ulat, dakong alas 11:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa isang basketball court sa nasabing barangay.

Nabatid kasalukuyang naglalaro ng basketball ang mga kabataan kasama ang biktima ng biglang lapitan ng suspek at agad na itinumba nito ang ringboard na ikinagalit ng kabataan hanggang mauwi sa mainitang pagtatalo.

Sinampal umano ni Pablo Apostol ang suspek kaya agad itong umuwi ng bahay at pagbalik may dala na itong balisong at agad na sinaksak ang biktima .

Inihahanda na ang kasong physical injury, attempted murder at paglabag sa RA 7610, sa piskalya ng Caloocan City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply