Anak ng retired Taguig City police official suspek sa serye ng panghoholdap

NAGSASAGAWA na ang pamunuan ng Taguig City Philippine National Police (PNP) kauganay sa talamak na panghoholdap ng anak ng isang retiradong opisyal ng pulis sa naturang lungsod.

Batay sa nakalap na impormasyon, target ng anak ng retiradong pulis ang mga delivery van na nagde-deliver sa mga mall at tindahan sa Signal Villange sa Taguig City.

Pawang mga armdo ng kalibre .45 ang mga suspek na sinasabing untouchable dahil sa malawak ang koneksyon ng ama sa Taguig-PNP.

Batay sa reklamo ng mga biktima na hindi binanggit ang pangalan, kilala na sa himpilan ng pulisya ang anak ng colonel kaya hindi nadadakip ang mga ito dahil nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ang mga pulis dahil sa takot na buweltahan sila ng opisyal.

Nangako naman si Taguig City Police Chief, Senior Supt. Tomas Apolinario na gagawin nila ang lahat para madakip ang di pa pinangalanang suspek na anak ng isang retired colonel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply