Anak ni Gov. Villafuerte, binatikos sa tweet laban kay Robredo

INULAN ng batikos ang tweet ng anak ni Camarines Gov. L-Ray Villafuerte nang mag-post ito ng status at kinukuwestyon ang pagdeklara ng pamahalaan ng walong araw na National Day of Mourning para sa yumaong si DILG Sec. Jesse Robredo.

Sa tweet ni Julio Villafuerte, kinukuwestiyon nito kung ano ang naging major accomplishement na nagawa ng kalihim dahil wala daw aniya siyang nalalaman.

Ikinumpara rin nito si Robredo sa pagkamatay ng astronaut na si Neil Armstrong na bumandera lamang aniya ang pangalan sa Twitter ng dalawang araw.

“Been reading Jess Robredo tweets for weeks now. Someone please inform me of any major accomplishments Jess has done, coz I don’t know any.”

“Neil Armstrong’s name was all over twitter for 2 days when he died. Jess Robredo’s name has been on for weeks when he died.”

Agad namang humingi ng despensa ang batang Villafuerte na sinundan pa ng kanyang ama.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply