Ang bagong knight in shining armor ni Heart Evangelista… bow!

PATULOY pa rin ang pagkaka-link ni Heart Avangelista kay Senator Chiz Escudero at hindi naman itinatanggi ng dalawa na close nga sila at kung minsan ay nagkakasamang lumabas.

Sabi pa nga ni Senator Chiz, sa edad niyang 42 hindi naman daw dating ‘yong sa kanila ni Heart kundi meeting. Na sinang-ayunan naman ng Kapuso Actress nang makausap namin recently.

“I think nowadays, it’s called meeting,” aniya. “’Yon na ang term theses days! You meet. You talk about different things. So… yeah! I guess it’s called meeting.”

Ano na ba ang development sa closeness nila ni Senator Chiz?

“We’re very close. Gano’n lang.”

Close sila bilang magkaibigan?

“Yeah! That’s right!” nangiting sagot ni Heart.

Pero may mga guys ba na nanliligaw talaga sa kanya ngayon?

“As of now, wala naman. Hindi naman ako umi-effort to get to know all these guys. I mean I have a lot of friends. Not necessarily when you’re seen in public with someone, it’s romantically, you know, involved na kayo sa isa’t isa.

“But… no!”

Hindi pa siya handa na ma-involve romantically sa ngayon?

“Uhm… not that I am not ready. Not that I’m looking for anything. But… I know one day it will just fall in my lap and everything will just… you know,” nangiti na lang ulit ang Kapuso actress.

Una siyang naging malapit kay Senator Mirriam Defensor Santiago. Ngayon, naging kaibigan na rin niya si Senator Chiz. Hindi kaya one day ay maeengganyo na rin siyang pumasok sa politika?

“No. A… I haven’t really thought of it. I’m exposed to a lot of that with Tita Mirriam but I haven’t really thought about it. Siguro if there’s anything that I’d like to do that’s a bit more serious… I’d like to go back to school, which I have to do very soon.

“Iyon siguro muna. Hindi ko iniisip ‘yong politika.”

E ‘yong maging wife ng isang politiko someday? “Hindi ko rin iniisip ‘yon!” natawa si Heart. “I really don’t know. Sa ngayon, I’m very happy with everything that’s going on my life. Peaceful ako ngayon.”

Tungkol sa plano niyang pagbabalik-eskuwela, anong course at saang school niya planong mag-enrol?

“A… actually iyon ang pinag-iisipan ko pa, e. Matagal na ‘tong debate sa utak ko so I will update you as soon as I figured that out.

“Pero hindi pa ngayon. Kasi medyo magiging busy ako with the movie and the soap.”

Pero ano kayang kurso ang nasa top of her mind na possible niyang pag-aralan? “Ang dami, e. Ayoko munang magsasalita. There was a time that I was being pushed by Tita Miriam to do Law. I thought of that for a while. Pero I want to be realistic as well.

“So… maybe something connected to… in connection to what I’m doing. Kasi sayang din naman ‘yong pinaghirapan ko. Thirteen years na yata akong nag-aartista.

“So, maybe something connected to that. We’ll see!” huling nasabi ni Heart.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply