Ang Latest, bagong showbiz talk show ng TV 5

SIMULA Sabado, Agosto 4, magkakaroon ng bago at mas-fresh na entertainment show ang Kapatid Network. Ang Latest Updated ay magsisimula sa ika-10:30 ng umaga.

Sina Cristy Fermin, Mr. Fu, Amy Perez at Lucy Torres-Gomez ang main hosts ng nasabing palabas. Tatalakayin nila ang lahat ng latest chika sa inyong mga paboritong artista.

Kalahating-oras lang ang Ang Latest Updated pero kung nabitin ka sa tsismis at balita, magkakaroon din ng Ang Latest Up-To-The-Minute. Series ito ng mga interstitials kung saan ihahain ang pinakamainit na chika sa loob ng isang minuto. Ipapalabas ito araw-araw.

Ang Latest Up Late naman ang papalit sa dating timeslot ng Juicy na magtatapos na rin sa Sabado. (Dapat! napakapangit ng show na ‘to. Simpangit ng main host! – Ed)

Punung-puno ang thirty minutes ng programang ito ng pinakabagong balitang showbiz mula Lunes hanggang Biyer- nes.

Tumutok na sa TV5 para malaman mo kung ano Ang Latest!

000

Derek Ramsey, nagbalik alaala sa kanyang kinalakihang bayan sa London

“Nakaiinggit habang pinapanood namin ang highlight ng pamamalagi ni Derek Ramsay sa London kung saan siya ang naatasan ng SPORTS5 (sports arm ng TV5) para mag-cover ng mga pangyayari sa Olympics kasama ang reporter na si Lia Cruz at ang buong pwersa ng SPORTS5.

Kitang kita sa video kung gaano nag-eenjoy si Derek sa kanyang ginagawa roon kaya naman parang hindi trabaho ang ipinunta niya sa London.

Kilalang sports fan at athlete ng fris-bee, basketball, football at rugby si Derek kaya naman isang malaking playground para sa kanya ang London.

At home na at home ang actor/host dahil doon siya lumaki at nag-aral bago nagbukas ang pinto ng showbiz para sa kanya. Sulit na sulit ang pagpapadala ng SPORTS5 kay Derek dahil bukod sa kanyang mga live report at high- lights na umeere sa TV5 at AKTV, panay rin ang tweet niya ng mga pangyayari doon dahil firsthand nga naman ang kanyang karanasan mula sa mga Olympic venue.

Suportadong-suportado tin ni Derek ang ilang mga atletang Pinoy na sumasabak sa Olympics.

Lumabas naman ang kanyang pagka-NBA fan nang magpa-picture siya kasama sina James Harden, Kevin Durant at Kobe Bryant na kabilang sa men’s basketball team ng USA. Biro pa ni Derek sa Twitter, napagkakamalan daw siyang Olympian roon dahil sa rami ng foreigners na nagpapa-litrato sa kanya sa Olympic Park.

Mapanonood ang mga up-date at highlight ng Olympics hatid nila Derek at Lia sa mga news program ng TV5 at sa AKTV.”

***

WAGI sina Bella Padilla, at Sarah Lahbati sa online poll ng Mega Magazine kung saan pinagtapat ang magkaibang bersyon ng cover ng GMA at ABS stars para sa July 2012 issue ng Mega.

Ayon sa official tally ng MegaStyle.ph, nakakuha ang team GMA ng tumataginting na 405,007 votes at lumamang ng mahigit 31,000 votes laban sa ABS sa loob ng dalawang linggong botohan.

Hindi nagpatalo ang mga Kapuso fans sa pagbigay ng suporta sa kanilang mga idolo na maituturing na mga “next big thing” sa industriya.

Kasabay ng pagpasok ng libu-libong mga boto ay ang pagbuhos ng napakaraming magagandang komento para kina Kris, Alden, Bela at Sarah.

Di pa nagtatapos ang ‘network wars’ dahil sa nalalapit na paglabas ng official sales result ng dalawang covers ng Mega, kung saan nangunguna ang Team GMA ayon sa pinakabagong tala mula sa Mega.

Tinaguriang ‘next big primetime leading man’ ng GMA, kasalukuyang napanonood si Alden bilang si Tisoy sa high- rating telebabad show na One True Love katambal si Louise delos Reyes.

000

Marian Rivera tampok sa Tunay Na Buhay ng GMA-7

Marimar, Darna, Dyesebel, Amaya — ilan lamang iyan sa mga hindi malilimutang karakter sa mga telefantasya sa telebisyon.

At sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa isang Marian Rivera? Tubong Cavite, half-Spanish half-Filipino si Marian na isa sa pinakamaningning na bituin ngayon sa mundo ng showbiz.

Sa isang natatanging pagkakataon, tunghayan ang one-on-one interview ni Rhea Santos kay Marian sa Tunay Na Buhay, kung saan ikukuwento ni Marian ang naiibang side ng kanyang buhay na hindi pa halos naisisiwalat sa publiko.

Papaano nga ba nagsimula ang isang Marian Rivera? Anu-ano ang kanyang mga pinagdaanang hirap bago unti-unti niyang natupad ang kanyang mga pangarap?

Abangan ang una pa ring pagkakataong makapasok sa bahay na kinalakhan ni Marian sa Cavite, at ang kauna-unahang interview ng kanyang nanay at lola. Anu-ano na rin ba ang mga investments ni Marian na naipundar niya mula sa pag-aartista?

Ngayong Sabado ng gabi, kilalanin pa nang lubusan ang nag-iisang phenomenal star ng Kapuso network sa Tunay Na Buhay kasama si Rhea Santos, pagkatapos ng Imbestigador, sa GMA-7.
_____

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply