Ang lupit ni Saño sa SBMA

KANSER sa suso ang binubuno hanggang sa ngayon ni Angela Arigo kahit natanggal na ang isa niya, tuloy ang gamutan at therapy habang umaasang sana’y natanggal na lahat ng
cancer cells sa katawan niya.

Walang katiyakan kung hanggang kailan pa tatagal ang buhay ni Angela pero walang pakialam si Stefani Saño, ang controversial na Invesments & Business Group head ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na naka-leave ngayon dahil sa Indian rice shipment brouhaha.

Ito Ang Totoo: magkaibigan dati sina Saño at Angela kaya sila nagkasundo na itayo noong 2010 ang “non-stock, non-profit” corporation na Fitkids Integrated Development Corp.para mag-operate ng paaralan sa Olongapo City para sa mga may kapansanan sa isip.

Animo santo si Saño na nag-alok at nagbigay ng P1M para maiparehistro sa SEC ang korporasyon pero dahil govt. employee umano siya, siya pa ang pinalabas na pinakamababa ang share sa kanilang limang trustees kahit sa kanya galing lahat ng pera.

Nang ma-detect ang kanser sa dibdib at magpaopera si Angela, inako ni Saño ang pagpapatakbo ng paaralan para aniya makapagpahinga si Angela. Naks, akala mo santo talaga, hah?

Laking gulat ni Angela na total take-over pala ang gusto ni Saño at dahil hindi raw kumikita ang Fitkids School, naghahabol na ang mga investor, partikular ang mga nagbigay daw ng P1M.

Ito Ang Totoo: non-stock, non-profit ang korporasyon at hindi ito negosyong intensiyon ang pagkakitaan ng mga batang ang isip ay may kapansanan.

At walang investor na alam si Angela, aniya, dahil ang sinabi noon sa kanya ni Saño ay kanya ang P1M na ginamit sa rehistro sa SEC, pag-ayos ng school building at iba pang operational expenses.

Ang masaklap, pati ang gusaling Theraphy Clinic ni Angela na nauna pa niyang itinatag kesa sa Fitkids school ay sapilitang inagaw na ni Saño at mga kasapakat nito.

Dahil nag re-recover pa sa pag-tanggal sa kanyang may kanser na suso, ayaw na ni Angela ng stress dahil bawal sa kanya at baka ika-matay pa niya lalo ng maaga.

Isa lang ang hiling ni Angela: kay Saño na ang eskuwela kahit irregular ang pamamaraan niya pera ibigay sa kanya – kay Angela, ang mga manual ng therapy clinic niya para makalipat na siya ng ibang gusali at tahimik na makapamuhay at maghanapbuhay.

Hindi naman kabigatan ang hiling ni Angela pero ayaw pag-bigyan ni Saño, talaga yatang walang puso ito.

Naniniwala tayo na wala pang ginawang mali si Saño kaugnay ng P450M shipment ng bigas mula sa India. Pero sa pagtrato niya kay Angela, mukhang may katotohanan ang mga alegasyon laban sa kanya sa pagkalugi at pagsasara ng pinamunuan niyang Subic Freeport Services Corp. (SFSC).

Ito ang halukayin ng mga senador at malamang marami silang makikitang anomalyang mas dambuhala pa sa kinukuwestiyong shipment ng bigas mula sa India. Ito Ang Totoo!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply