Ang ‘Mesocyclone’ at balik-sugal sa Region 4-A

IPINALIWANAG ni Pagasa Administrator Nathaniel Servando na ang naganap sa Metro Manila noong Lunes ay tinatawag sa “radar term” na mesocyclone o uri ng panahon na kakaiba ngunit hindi nagtatagal.

Ito ang dahilan kung bakit hindi nakapaghanda ang mga taga-Metro Manila sa bigla at matinding buhos ng ulan, ayon kay Servando.

Iba naman ang pana-naw ni Sec. Edwin Lacierda tungkol sa pangyayari.

Kasalanan umano ito ng mismong mga naging biktima ng malakas na ulan sa Metro Manila dahil hindi sila nakatutok sa Twitter ng Pag-asa.

Dagdag pa ni Lacierda, hindi katwiran ang “brownout” noong Lunes ng gabi dahil kahit sa kanilang lugar ay “brown-out” din ngunit kaagad pa rin siyang nakatutok sa “Twitter.”

Nakalimutan yata ni Lacierda na ang ordinaryong mamamayan ay unang hinahagilap ang kandila tuwing brownout.

Ang ilan sa kanila na may Twitter Account ay sa mga internet cafe lamang gumagamit.

Hindi gaya ni Lacierda na dahil sa trabaho at rangya sa buhay ay may computer, Twitter account, internet connection at higit sa lahat, generator!

Tangna, parekoy, kung hindi mo kagaya si Lacierda ng trabaho at rangya sa buhay, kahit biktima ka na ng meso-cyclone, ikaw pa ang may kasalanan!

Sa asal ni Sec. Lacierda, masasabi kong mas matindi itong “mesocyclone sa Palasyo,” kakaiba talaga!

Ang konsolasyon lang natin, parekoy, dahil ayon mismo sa Pag-asa ay hindi naman ito magtatagal! Hak, hak, hak!

-o0o-

HINDI pa nga inabot ng dalawang buwan simula nang iutos ni Region 4-A Regional Director C/Supt. James Andres Melad na ratsadahin ang lahat ng iligal na sugal sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay muli itong umarangkada. Gaya na lang sa Cavite,  “back to normal” na naman, ika nga, ang collec-tion nina Marlon Garcia!

Isa lang ang ibig sabihin niyan, Gen. Melad, hindi ka na nga nirerespeto ay ipinahahamak ka pa nila!

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply