Angel Aquino, suko na! Ayaw nang pumatol sa batang papa

SABI nga kung gusto mong sumakit ang ulo mo at parati kang stressed pumatol ka sa mas younger sa iyo. Like what happened to one of our finest actresses Angel Aquino.

Although nagtagal naman ang relasyon nila noon ng TV host-actor na si Lui Villaruz, may mga bagay pa rin na hindi nila napag-kasunduan kaya minabuti na lang na maghiwalay.

Ops! Sa Presscon raw ng latest horror movie ni Angel Na Amorosa na pinagbibidahan ni Empress Shuck ,mukhang inedit-out ng mahusay na actress/host ‘yung pagpatol nito noon sa isang rich businessman na siyang naging rason para makipaghiwalay sa kanya si Lui.

Baka naman kasi may nang-intriga lang kay Angel kaya wala itong dapat aminin. Anyway, after Lui, Angel admits na nagkaroon siya ng karelasyong another bagets pero tuma- gal lang ng four months ang kanilang relationship at nag-babu na agad.

Kaya naman nag-decide na raw siya na kung iibig siyang muli ay never na siyang papatol sa mas batang Papa kaysa sa kanya.
Well, Oo nga! Masarap mag-mahal sa bagets kaso nga lang marami kang disadvantages na mai-experience rito. Dat’s da reality gyud!

***

Kuya Germs naniniwala sa galing at talent ni Michael Pangilinan

MAY mga bagay sa mundong ito na kapag hindi talaga para sa ‘yo ay hindi mo makakamit. Ganyan na lang ang ini-isip ng alaga ni Mama Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan na tulad ng napakahusay na manok ni tita Pilita Corrales na si Mark Mabasa ay tinigbak rin kamakailan sa X Factor Philippines.

Hindi lang naman kasi ang X Factor ang buhay ni Michael dahil nandiyan ang manager niya na si Mama Jobert at iba pang supporters at may galing at talent naman siyang maipagmamalaki na kanya nang naipakita sa talent search ng ABS-CBN.

At buwena-manong nagbukas ng pinto para sa showbiz career ng gwaping na newcomer dubbed as Concert Hearttrob ay ang Walang Tulugan ni German Moreno.

Ayon pa mismo kay Jobert, tinawagan raw siya mismo ng personal nang marinig nitong kumanta si Michael sa showbiz program nila na Mismo! ni Ahwell Paz sa DZMM Teleradyo.

Komento pa raw ni kuya Germs, pang-world class ang daw talent ni Michael at tunog international singer ito kaya dapat lang na ma-build up niya ito sa kanyang weekly late night show na Walang Tulugan na napanonood tuwing Sabado sa GMA 7 at itinuturing na No. 1 show ng Kapuso network sa bansang Amerika.

Masaya ang baguhang singer dahil buong puso siyang tinanggap ng mga original hosts rito lalung-lalo na ni Kuya Germs na buo ang tiwala sa kanyang kakayahan bilang singer concert performer, at ngayon, host na rin.

Sa December 5, pala ay nakatakdang i-launch ang first CD album ni Michael sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City kasabay ng kanyang concert sa said venue. Bale sina tita Pilita at Concert King Martin Nievera ang magsisilbing mga special guests niya sa show.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply