Angel Locsin breadwinner, wala pang ipon!

TILA bumubuhos ang mga biyaya sa aktres na si Angel Locsin sa pamamagitan ng pagdating ng mga pelikula ngunit ayon sa aktres, gusto na niyang magbalik-teleserye.

Huling proyekto niya ang back-to-back love team nila ni John Lloyd Cruz sa teleseryeng “Imortal” at sa pelikulang “Unofficially Yours” at ngayong taon dalawa ang pelikulang pinaplano para sa kanya. Una ang “One More Try” na isasabak sa Manila Film Fest ngayong Disyembre at isang horror-comedy kasama si Vhong Navarro.

Ngunit ayon sa aktres, mukhang hindi darating ngayong taon ang ninanais na teleserye. “Wala pa ngayong year, pero may mga plano. Most likely next year na ako magkakateleserye,” ani Angel.

“Nae-enjoy ko ng sobra yung pelikula, pero siyempre bilang breadwinner, gusto ko naman makaipon,” dagdag pa niya. Aminado naman ang aktres na mas okay na next year na ito ituloy dahil mahirap daw pagsabayin ang teleserye at pelikula.

***

Sikreto ng John Lloyd-Bea at Daniel-Kathryn, ibubulgar

TUKLASIN ang sirekto ng dalawa sa pinakamatagumpay na love teams sa bansa– ang mga bida ng “The Mistress” na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, at ang “Princess and I” young idols na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo–sa isang espesyal na episode ng “Showbiz Inside Report” bukas ng hapon (Setyembre 1).

Paano nga ba napatatag nila John Lloyd at Bea ang kanilang tambalan sa loob ng sampung taon? Ano ang pinakaimportanteng natutunan nila ngayong ipinagdiriwang nila ang 10th anniversary ng kanilang love team?

Gaano kahalaga sa tagumpay ng samahan nila Daniel at Kathryn ang suporta ng kanilang fans? Sa gitna ng kanilang kasikatan, handa na ba silang i-level-up ang kanilang espesyal na pagkakaibigan? Huwag palampasin ang kuwento ng dalawang loveteams na minahal ng sambayanan at pagsasamahang sinubok na ng panahon sa top-rating at trending Saturday entertainment talk show sa bansa, “Showbiz Inside Report,” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-‘like’ ang Facebook fanpage na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

***

Aktor na gustong maging politiko nagpakalasing

NAGBABANTAY pa rin ang aktor sa kanyang pinagagawang bahay sa isang probinsiya at gusto niyang matapos ito sa lalong madaling panahon kahit wala na siyang pag-asang makatakbo sa pulitika dahil sa kakapusan ng panhong pamamalagi niya sa naturang lugar.

Nung makarating nga raw sa aktor ang balitang hindi siya maaaring makatakbo sa ninanais na posisyon sa pulitika ay nagpainom daw ito ng todo sa kanyang mga tagasuporta.

Payo namin sa kanya, huwag na siyang magpapaniwala sa mga taong nagsasabi sa kanya na makatatakbo pa rin siya sa darating na eleksyon dahil malabong mangyari ito. Kinakatasan lamang siya ng mga ito, at baka bukas-makalawa ay purdoy na siya.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.co m at maari rin kaming mapakinggan sa Star na S tar sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply