Angel Locsin gaganap na ‘Darna’ sa pelikula

MAINIT ngayong pinag-uusapan ng mga netizen kung sino ang gaganap na Darna na muling isasapelikula ng Star Cinema.

Ilang lumabas na pangalan ay sina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Denise Laurel, Marian Rivera at maging ang Mega Daughter na si KC Concepcion.

Ayon sa Starmometer website, kinumpirma umano ng isang insider mula sa pinakasikat na movie outfit sa bansa, ang Star Cinema, na si Angel Locsin daw ang gaganap na Darna sa big screen.

Ang Star Cinema at ABS-CBN ay may pahintulot na gawin ang mga nobela ni Mars Ravelo at kabilang na nga rito ang muling pagsasapelikula ng Darna.

Matatandaan, gumanap na ring Darna si Angel Locsin. Ito ay sa pinakahuling Darna sa telebisyon noong isa pa siyang Kapuso, kaya naman inaasahan na mahusay niya uli itong magagampanan.

Kung true na true na ang balitang ito ay good luck for you Angel Locsin.

Reaksyon ng netizen

Marami ang natuwa sa balitang ito, habang tinitipa natin ito ay patuloy na may nagkokomento sa nasabing article sa Starmometer.

Ayon sa isang netizen, para sa kanya si Angel Locsin ang pinakamaganda sa mga gumanap na Darna.

Sabi pa ng isang netizen, si Angel Locsin ay ang perfect choice para sa role na Darna.

In short, dumagsa ang positive comments for Ms. Locsin for the role Darna/Narda, kaya naman aabangan natin ito!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply