Anti-Hazing bill, pinamamadali na sa kamara

KINAKALAMPAG ngayon ang liderato ng Kamara para sa agarang pagpasa sa House Bill 6084 o Anti-hazing Bill na nagsusulong na ideklarang iligal ang mga bayolenteng initiations sa mga fraternity.

Nanawagan si Ang bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na magpapatuloy aniya ang mga ganitong Gawain hangga’t hindi nagkakaroon ng mas mahigpit na batas laban sa hazing.

Kasunod ito ng pagkamatay ni Marc Andrei Marcos, isang law student ng San Beda College na sinasabing dahil sa hazing.

Ayon kay Herrera-Dy, may-akda ng panukala, napapanahon nang magkaroon ng mas mahigpit na batas para matigil na ang mga fraternity hazings, na ikinamamatay pa ng ilang mga miyembro at iba pang nagnanais na pumasok dito.

Sinabi ng kongresista na ang kanyang panukala ay suportado ng Coordinating Council for Private Educations Association o COCOPEA, isang grupo ng mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Ang Anti-hazing Bill ay isinumite ni Herrera-Dy, ilang araw bago lumabas ang ulat ng pagkamatay ni San Beda law student Marvin Reglos nitong nakalipas na Pebrero lamang.

Nakasaad sa House Bill 6048 na papatawan ng mas mabigat ng parusa ang mga indibidwal na sangkot sa hazing, mula sa pagmumulta hanggang sa habambuhay na pagkabilanggo, depende sa bigat ng krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply