Anti-RH solons, ginagapang ng Palasyo – Obispo

GINAGAPANG na umano ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga Kongresista upang maipasa lamang ang RH bill.

Ayon kay Lipa City Archbishop Ramon Arguilles, isang araw bago pagbotohan ang panukalang batas na RH bill, ay napag-alaman na nagpatawg ng lunch meeting ang pangulo para makuha lamang ang boto ng mga kongresista na tutol sa usapin.

Sinabi pa ng Arsobispo na may 150 congressmen ang tutol sa panukalang batas kung saan kinumpirmang mga anti-RH bill ang pupulongin ng pangulo.

Sa nasabing bilang ay 115 congressmen naman ang kumpirmadong dadalo sa pulong.

Una nang nagsagawa ng “prayer power rally” ang anti-RH bill sa pangunguna ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Edsa Shrine kung saan nilahukan naman ng ilang pulitiko, at ibat-ibang diocese sa bansa .

Hinimok din ng CBCP ang mga katoliko na tutulan at pag-isipang mabuti ang nasabing panukalang batas dahil lalo lamang itong makakasama sa mamamayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply