Apela ng M’cañang: ‘Wag magturuan, magsisihan

HINDI ito ang tamang panahon para magturuan o magsisihan sa nangyaring aksidente sa grupo ni DILG Secretary Jesse Robredo noong nakaraang Sabado, Agosto 18.

Sa isang panayam kay Presidential spokesman Edwin Lacierda sa La Salle Greenhills, Mandaluyong City kung saan idinadaos ang vigil prayer para kina Sec. Robredo, sinabi nito na makabubuting hintayin na muna ang resulta ng imbestigasyon sa nangyari lalo pa’t blow-by-blow ang report na ibinibigay ng pamahalaan sa publiko.

“The CAAP is under Secretary Mar Roxas. Nandoon po ngayon ang CAAP sa Masbate. Right now, what is important ay we’re doing the search and rescue—Coast Guard is doing it tapos ‘yung CAAP nire-recover ‘yung mga retrieved parts ng eroplano. But it’s still too early to say or to pinpoint liability,” aniya pa rin.

Prayoridad pa rin ngayon ng mga awtoridad ang ipagpatuloy ang search and rescue operations kay Robredo at sa dalawang kasama nito.

Kaya nga, tiniyak ni Sec. Lacierda sa publiko na hindi tumitigil ang operasyon ng DILG at ilang kaakibat na ahensiya ng pamahalaan sa kanilang serbisyo kahit na may ongoing rescue effort sa nawawalang Kalihim at kasama nito.

“The President will be making further announcements concerning the Department at the proper time,” ani Lacierda.

Sa kabilang dako, ihahayag naman ng Malakanyang sa tamang panahon kung sino ang tatayong OIC ng DILG dahil sa pagkawala ni Sec. Robredo.

Kumpiyansa naman ito sa pagsasabing umaasa sila na ligtas na makikita ang Kalihim.

“The divers are now underwater so we are praying and hoping that there will be some resolution. But we remain hopeful and we continue to pray for the safe recovery of Secretary Jesse Robredo and the two pilots,” dagdag ni Lacierda.

Hindi masagot ni Sec. Lacierda kung hanggang kailan si Pangulong Aquino sa Masbate para personal na malaman ang development ng search and rescue operations ng mga kinauukulan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply