Applause for Abelardo

HIGIT na nagiging matamis ang tagumpay kung ang naging puhunan dito ay dugo at pawis at ito ay nakamit ng unti-unti sa sariling pagsisikap.

Minsan ay napanuod ko sa telebisyon ang isang coverage ng pag-akyat ng isang Pinoy sa tuktok ng Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa mundo. Sa taas niyon na 29,029 ft. at sa napakalamig na temperatura ay naisip ko kung gaanong hirap ang tiyak na dinanas ng nasabing Filipino subalit nagpatuloy siya at hindi  naglaon  ay  narating niya ang tuktok ng nasabing bundok.

Sa istoryang iyon ko maihahalintulad ang pag-abot sa tagumpay ni Abelardo – ang Filipinong General Manager ng isang sikat na kainan sa Amerika – Ang Gullivers.

Nakilala ko si Abelardo nang minsang bumisita ako sa Amerika at ikinuwento niya sa akin ang makulay na istorya ng kanyang tagumpay.

Nagmula si Abelardo sa isang mahirap na pamilya sa Pilipinas kung kaya’t kinailangan niyang mag-trabaho bilang roomboy sa isang hotel para lamang matustusan ang kanyang pag-aaral.

Dahil na rin sa kakaibang sipag at tiyaga na kanyang ipinamalas ay naging bell boy siya at hindi nagtagal ay naging desk clerk.

Naranasan din niyang maging isang kitchen helper sa isang res-taurant hanggang sa maging isang waiter at ma-promote na maging isang captain waiter.

Masasabing pinanday ng panahon at karanasan si Abelardo sapagkat sa pamamagitan ng sariling pagsusumikap niya at pagpasok sa iba’t ibang trabaho ay nakamit niya ang kanyang Diploma sa Management.

Nang makapagtapos nang pag-aaral ay naging instructor siya sa ilang kolehiyo at unibersidad sa Maynila gaya na lamang ng San Beda, Centro Escolar, La Consolacion at Polytechnic University. Kasabay ng pagtuturo ay nag-trabaho rin siya bilang isang consultant ng ilang hotel at rest-aurant dito sa Pilipinas.

Subalit tila yata nakaguhit na sa palad ni Abelardo ang magtagumpay sapagkat natanggap siya bilang isang Managing Consultant sa Gullivers, isang kilalang steak-house sa San Francisco.

Dahil sa sipag at tiyaga, kaalaman at pagiging competent hindi nagtagal ay naatasan siya upang maging General Manager nito.

“Actually I am a managing consultant but I am appointed as a General Manager in order to solve the problems of the com-panies that I am handling.” Aniya.

Sa kasalukuyan ay maayos at maginhawa na ang buhay ngayon ni Abelardo at ang lahat ng iyon ay nakamit niya sapagkat tinulungan niya ang kanyang sarili na umangat at hindi nga naglaon ay ninanamnam na niya ang matamis niyang tagumpay.

Sa pagtahak natin sa daan ng buhay maraming mga pagsubok ang kailangan nating suungin at lampasan upang magtagumpay, at gaya ng sinabi ni Abelardo- “Hindi pwede dito yung tatamad-tamad at nag-aantay lang ng patak ng ulan, dito ikaw ang maghahanap.”

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply