Appointment ni Robredo kukumpirmahin sana sa Aug. 29

NAKATAKDA sanang kumpirmahin ng Commission on Appointments ang appointment ni Secretary Jesse Robredo sa Agosto 29, 2012.

Ito ay ayon kay Alagad Partylist Rep. Rodante Marcoleta, na nagsusulong na makumpirma ng CA ang pumanaw na kalihim.

Sa kanyang pakikiramay sa pamilya Robredo, sinabi ni Marcoleta, miyembro ng makapangyarihang CA na ang kalihim ay maituturing na isang “icon.”

“My family and I mourn with his family and the nation for the loss of an icon in good governance, industry and humility. As he is set to be confirmed on August 29 and subject to CA rules, I would endorse his confirmation even if posthumously,” ani Marcoleta.

Maging si Aurora Rep. Sonny Angara ay inamin na malaking kawalan sa administrasyong Aquino ang pagkamatay ni Robredo.

Nanawagan din siya sa sinumang papalit kay Robredo na  tularan ang nasawing kalihim sa larangan ng paglilingkod at pagtupad ng kanyang tungkulin.

“Malaking kawalan sa bansa si Sec. Jesse dahil sa kaniyang tapat na paninilbihan at mahirap mahanapan ng kapalit sa DILG. Sana iyong naipakita niyang ehemplo bilang isang serbisyo publiko ay tularan ng mga maninilbihan  sa ating gobyerno sa darating  na panahon,” giit ni Angara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply