‘Aquino Court’, itinanggi ng Palasyo

MALABONG maging ‘Aquino Court’ ang Korte Suprema matapos italaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Maria Lourdes Sereno bilang bagong Supreme Court Chief Justice.

Ang katuwiran ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay tatlo pa lamang ang naitalaga ni Pangulong Aquino sa Korte Suprema.

Ang mga ito, aniya, ay sina Sereno, Associate Justices Bienvenido Reyes at Estela Bernabe.

Habang ang 12 pang kasalukayang mga mahistrado ng Supreme Court ay naitalaga ng mga nagdaang administrasyon.

Bukod dito, kumpiyansa ang Chief Executive na makapagpatupad ng mga positibong reporma sa hudikatura si Sereno.

Nauna rito, nilagdaan ni Pangulong Aquino ang appointment ni Sereno noong Biyernes, Agosto 24, bilang ika-24th na Chief Justice ng Pilipinas, at bilang unang babae na Punong Mahistrado sa bansa .

Sa edad na 52, si Sereno ay isa sa pinakabatang naging Chief Justice sa kasaysayan ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Nanumpa si Sereno bilang bagong chief justice kay Aquino alas-10 ng umaga nitong Sabado.

Si Sereno ang pumalit kay dating Chief Justice Renato Corona na napatalsik sa puwesto noong Mayo matapos ang ilang buwang impeachment trial sa Senado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply