Araw-araw na phone billing iuutos sa telcoms

NAIS ipag-utos ng isang kongresista sa telecommunication companies na bigyan ng customer billing report ang mga mobile phone subscribers araw- araw .

Sa inihain na House Bill 6335 ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco, nais niyang gawing mandatory para sa cellular phone service providers na maglaan sa individual end-users, post paid at pre-paid subscribers ng daily customer billing report.

Umaasa ang kongresista na sa pamamagitan nito ay mapoprotektahan ang consumers mula sa mga madaraya na nakagawian ng ilang telecom companies.

Ayon kay Velasco, kailangang magkaroon din ng transparency sa lahat ng gastos o singil sa serbisyong ibinibigay ng cellular service providers na ito sa kanilang customers.

“It is common practice among such providers that a monthly statement is sent to the end-user.  However, such statement is limited only to post-paid subscribers and provide only for a general summary of the services rendered by the companies,”  ani Velasco.

Hinala ni Velasco na dahil sa kawalan ng balanse sa impormasyon ay nagagawa ng ilang kumpanya na mapabilis at mapalaki ang kanilang kita o mailipat sa consumers ang bayaring dapat na sila ang nagbabayad.

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng cellular phone service providers ay kailangang maglaan sa individual end-users, post-paid at pre-paid users, ng customer billing report kada araw na kinabibilangan ng bilang ng tawag na ginawa, bilang ng ipinadalang text messages; average at maximum na ginawang tawag; summary ng cost sa bawat tawag o mensahe na ginawa at total cost payable para sa nasabing araw.

Ang report ay dadalhin sa pamamagitan ng “short-messaging service” (SMS) form sa individual end-users ng kani-kanilang service providers.

Nakapaloob pa sa panukala na ang cellular service provider na lalabag sa probisyon ay pagmumultahin ng P500,000 para sa unang opensa; P1 million sa ikalawa at P5 million sa ikatlong opensa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply